Ellen Adarna, sinagot kung bakit wala si Derek Ramsay sa 1st Birthday Party ni Liana

Ellen Adarna, sinagot kung bakit wala si Derek Ramsay sa 1st Birthday Party ni Liana

  • Ibinahagi ni Ellen Adarna ang mga larawan mula sa 1st Birthday Party ng kanyang anak na si Liana
  • Nag-viral ang post nang sagutin ni Ellen ang netizen na nagtanong sa pagiging "absent" ni Derek Ramsay
  • Talaga namang naging straight to the point ang aktres sa kanyang naging paliwanag
  • Gayunpaman, marami pa rin ang natuwa sa pagbibigay-glimpse ni Ellen sa birthday ni Baby Liana

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng glimpse si Ellen Adarna sa napaka-cute na birthday party ng kanyang anak na si Liana, na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan. Ibinahagi ni Ellen ang mga larawan mula sa selebrasyon sa kanyang Instagram, kuha ng Cocoon Studio PH, na may unicorn at rainbows theme.

Ellen Adarna, sinagot kung bakit wala si Derek Ramsay sa 1st Birthday Party ni Liana
Photos: @cocoonstudioph via @maria.elena.adarna, @ramsayderek07 on Instagram
Source: Instagram

Ngunit ang mas nagpa-viral sa post ni Ellen ay ang kanyang direct na tugon sa isang netizen na nagtanong tungkol sa pagiging "absent" ng kanyang asawang si Derek Ramsay sa naturang party.

Isang netizen ang nagkomento sa post ni Ellen at tinag pa nga ang account ni Derek bago sila nagtanong tungkol sa hindi pagdalo ng aktor: "@ramsyderek07 absent ang amahan," aniya.

Read also

Angelica Panganiban, nag-open up tungkol sa kanyang "5 sleepless nights" nang magkasakit si Amila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagdalawang-isip si Ellen na sagutin ang netizen, aniya ng aktres, inimbita nila si Derek:

"Gisendan man cyag invite dai. Ambut nanu wa cya mu tunga," aniya Ellen sa netizen. ("Sinendan naman namin siya ng invite, dai. Ewan ko kung bakit hindi siya pumunta.")

Gayunpaman, ipinakita ng mga larawan na naging masaya pa rin ang selebrasyon ni Liana, na nakasuot ng isang princess-like na dress habang kasama ang kanyang mommy at kapatid. Ang venue ay pinalamutian ng pastel colors at may malaking cake na may unicorn at rainbow design.

Si Ellen Adarna at Derek Ramsay ay ikinasal noong 2021 sa isang intímate wedding sa Bataan. Samantalang, ipinanganak si Liana noong October 2024, na siyang unang anak ng mag-asawa.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Ellen Adarna, sinagot kung bakit wala si Derek Ramsay sa 1st Birthday Party ni Liana
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna via Fashion Pulis
Source: Instagram

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Celebrities, naaliw sa tanong ni Chariz Solomon ukol sa mga covers ni Aljur Abrenica

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan ang panibagong post ni Ellen Adarna sa Instagram. May bago kasi siyang pasilip sa Amanpulo getaway nila ng mga kaibigan niya. Aniya Ellen, sana raw ay maging "yearly ritual" ang kanilang getaway. Bukod sa bakasyon na ito, marami rin ang namangha sa ganda at bikíni body ni Ellen na makikita sa photos.

Samantalang ay nanawagan sa publiko si Ellen Adarna ukol sa kanila ni Derek Ramsay. Sa Instagram, nag-post si Ellen ng 'proof' umano laban sa panibagong tsismis sa kanila. May kumakalat kasi na tsismis na in-unfollow na ng celebrity momma si Derek sa app. Dahil dito, agad na nagsalita si Ellen uekol sa isyu at sinabing, "Tigilan niyo na kami ha."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco