Angelica Panganiban, nag-open up tungkol sa kanyang "5 sleepless nights" nang magkasakit si Amila
- Ibinahagi kamakailan ni Angelica Panganiban na dumaan siya sa "5 sleepless nights"
- Sa Instagram, ibinunyag ni Angelica ang pagkakaroon ng sakit ni Amila Sabine
- Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Angelica matapos gumaling ang anak
- Marami naman ang tila naka-relate sa pag-aalaga at sakripisyo ni Angelica para sa anak niya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbahagi ang aktres na si Angelica Panganiban ng personal na update sa kanyang Instagram story tungkol sa dinanas niya kamakailan sa pag-aalaga kay Amila Sabine, na dumaan sa sakit nitong mga nakaraang araw.

Source: Instagram
Sa post, nag-upload si Angelica ng isang cute na selfie, kasabay ang mensahe na nagpapaliwanag ng naging sanhi ng kanyang puyat.
"6 days may sakit si Amila. 5 sleepless nights. Since yesterday, wala na siyang lagnat at maluwag na ang ubo."
Ang anim na araw na pagkakasakit ni Amila at ang limang gabi na pagpupuyat ni Angelica para rito ay isang patunay sa walang patid na pag-aalaga ng isang ina sa kanyang pinakamamahal na ank.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinahayag ni Angelica ang kanyang pasasalamat at relief nang gumaling na ang kanyang anak, na nagbigay-daan para makabalik siya sa sarili niyang pangangalaga, o self-care bilang isang mommy.
"Today, nakaligo na ako ng maayos at nakapag-skin care. Hallelujah!" aniya ng aktres sa post.
Ang simpleng pag-amin ni Angelica na nakaligo at nakapag-skin care na siya ay sumasalamin sa sakripisyo ng mga magulang na isinasantabi muna ang sarili nilang pangangailangan para sa kalusugan ng kanilang anak, bagay na naka-relate ang ilang mga magulang sa social media.
Isinilang ni Angelica Panganiba ang kanyang anak na si Amila Sabine noong September 2022.
Mula noon, madalas nang nagbabahagi ang aktres sa publiko ng kanyang mga karanasan sa motherhood, mula sa saya ng bawat milestone ni Amila hanggang sa mga real-life struggles tulad ng postpartum. Sa kabila ng hirap, laging ipinapakita ni Angelica ang kanyang matinding pagmamahal at dedikasyon kay Amila.

Source: Instagram
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay binalikan ni Angelica Panganiban ang postpartum phase niya kamakailan. Sa opisyal na guesting niya sa podcast ni Alyssa Valdez, isang volleyball player, labis na nag-open up ang aktres. Aniya, umabot pa sa puntong naging posessive din siya kay Amila noon. Biro pa nga ni Angelica kay Alyssa sa naturang podcast, "Teh, baliw lang."
Samantalang naghatid naman ng tuwa si Angelica Panganiban sa kanyang official na social media page. Kamakailan lang ay ibinahagi kasi ni Angelica ang "kaartehan" ng kanyang anak. Sa naturang post, makikita ang cute na posing ni Amila Sabine, or Baby Bean, sa camera. Bukod pa nga rito ay tinag din ni Angge sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa naturang online post.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

