Beteranong aktor na si Dwight Gaston, pumanaw na sa edad na 66; Joel Torre, labis ang dalamhati
- Pumanaw na ang beteranong aktor na si Dwight Gaston sa edad na 66, kinumpirma ni Joel Torre sa Facebook
- Nagbahagi si Joel ng mga litrato at alaala ng kanilang 50 taong pagkakaibigan
- Inalala ni Joel ang kasiyahan at kabiroan ni Dwight kahit sa mga huling araw nito
- Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamilya ni Dwight tungkol sa dahilan ng pagpanaw
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isa na namang haligi ng Philippine entertainment industry ang namaalam. Pumanaw na ang beteranong aktor na si Dwight Gaston sa edad na 66, ayon sa kumpirmasyon ng matalik niyang kaibigan at kapwa-aktor na si Joel Torre nitong Huwebes, Oktubre 23, 2025.

Source: Facebook
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Joel ang ilang larawan nilang magkasama at sinabayan ng taos-pusong mensahe para sa kanyang kaibigan. Ayon kay Joel, mahigit 50 taon na ang kanilang pinagsamahan sa teatro at pelikula.
“Oh Dwight, the umbilical cord has been cut. After more than 50 years of friendship, from the first play we co-directed through the Maskara Theater years, the Los Curachas, the Yamuhat Festivals, from Oro, Plata, Mata to Amigo, those creative times and laughter was at its best,” pagbabalik-tanaw ni Joel.

Read also
Inday Barretto, inamin na hindi sila magkasundo ni Marjorie: “I love her, she knows that”
Dagdag pa niya, kahit na may iniinda na noon si Dwight, nanatili pa rin itong masayahin at patuloy na nagbibigay saya sa mga tao sa paligid niya. “Even the time you knew of your last few days, your incredible humor was still on full display,” aniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Inalala rin ni Joel ang kanilang huling pagkikita, kung saan hindi pa rin nawawala ang kakayahan ni Dwight na magpatawa. “The last time I visited you we laughed so hard, I had to leave for you to rest. And as I cry, that laughter lingers for I know that umbilical cord of ours shall always be there,” mensahe ni Joel.
Bago niya tinapos ang kanyang post, muling nagpaabot si Joel ng pagmamahal para sa yumaong kaibigan: “Love Gid Ya! Your dearest friend, Joel.”
Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamilya ni Dwight Gaston hinggil sa sanhi ng kanyang pagpanaw. Gayunpaman, bumuhos na ang mga pakikiramay mula sa mga kaibigan sa industriya at mga tagahanga na naantig sa pagkakaibigan nina Joel at Dwight.
Si Dwight Gaston ay isa sa mga kilalang beteranong aktor sa larangan ng teatro at pelikula sa bansa. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Maskara Theater Ensemble sa Bacolod, kung saan nagsimula rin ang pagkakaibigan nila ni Joel Torre. Kilala si Dwight sa kanyang malalim na pagganap at husay sa likod ng entablado, at naging bahagi ng mga proyektong gaya ng Oro, Plata, Mata, Amigo, at iba pang independent films.
Ang kanyang kontribusyon sa regional theater at independent cinema ay kinikilala ng maraming kabataan at kapwa artista. Si Joel Torre, na isa sa mga pinakarespetadong aktor sa bansa, ay matagal na ring kaibigan at collaborator ni Dwight sa iba’t ibang produksyon sa loob ng halos limang dekada.
Isang haligi ng pelikulang Pilipino, si Gloria Romero, ay namaalam sa edad na 91. Kinikilala siya bilang isa sa mga pinakarespetadong aktres sa showbiz, na nagsimula pa noong 1950s. Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot ng labis na kalungkutan sa mga tagahanga at sa industriya.
Kamakailan lamang ay pumanaw rin ang “Asia’s Queen of Songs” na si Pilita Corrales sa edad na 85. Ang kanyang pambihirang boses at dedikasyon sa musika ay nagbigay inspirasyon sa maraming henerasyon ng mga Pilipino. Ang kanyang legacy sa industriya ay mananatiling buhay sa mga awitin at alaala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
