Bea Borres, naka-relate kay Jillian Ward ukol sa 'sugar daddy' allegations
- Bea Borres ay nag-viral matapos niyang magpahayag ng pakikiramay kay Jillian Ward
- Ibinahagi niya ang pagkadismaya dahil sa paniniwala ng lipunan na tila hindi kaya ng babae na maging 'successful'
- Sa naturang post, binalikan din ni Bea ang sinasabi ng ama niya sa kanya noon
- Gayunpaman, inamin din ni Bea na: "Don't get me wrong, I want pa rin mag-asawa ng mayaman"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-viral ang Facebook post ng influencer at personalidad na si Bea Borres matapos niyang ipahayag ang kanyang pagkaunawa at pakikiramay kay Jillian Ward, na kamakailan lang ay sinasabing may "sugar daddy" matapos siyang ma-link kay dating gobernador Chavit Singson.

Source: Instagram
Ginamit kasi ng aktres ang kanyang personal na karanasan sa parehong akusasyon upang tuligsain ang mapanghusgang pananaw ng lipunan, lalo na kapag nagiging 'successful' ang isang babae.
Sa kanyang post, binanggit ni Bea na nabasa at napanood niya ang panayam ni Jillian tungkol sa isyu. Direkta niyang sinabi na hindi niya maunawaan kung bakit tila mahirap paniwalaan na may sariling kakayahan din ang mga babae.
"Read/watched Jillian Ward's interview about her having a 'sugar daddy' and the truth is, society just hates it when a woman succeeds on her own."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binigyang-diin niya ang kanyang pagkadismaya, lalo na bilang isang taong dumaan din sa ganitong uri ng pagdududa:
"As someone who’s been through the same accusations before, I’ll never understand why it’s so hard to believe that a woman can actually make it without a man backing her up."
Ibinahagi rin ni Bea ang isang personal na kuwento tungkol sa kanyang yumaong ama, na siyang nagiging inspirasyon niya para maging matagumpay sa sariling pagsisikap niya sa buhay.
"I love my dad, but he told me I needed a man to make it. So every time I visit his grave, I tell him, 'I'm doing it, Dad. I'm thriving and building my own assets all on my own.'"
Sa huli, nagbigay si Bea ng isang disclaimer na may halong biro, na nagpapakita na hindi naman niya isinasara ang pinto sa pag-ibig, bagkus ay pinatutunayan lang niya ang kanyang kakayahan:
"Don't get me wrong though, I want pa rin mag-asawa ng mayaman! HAHAHAHAH char not char."

Read also
John Prats, may makuwelang pagbati kay Isabel Oli sa kaarawan nito: "My favorite noise maker"
Ang post ni Bea ay mabilis na nag-viral, na nagbigay boses sa damdamin ng ilang mga kababaihan na patuloy na hinuhusgahan ang kanilang tagumpay.
Si Bea Borres ay isang Filipina actress, social media personality at vlogger na nakilala dahil sa kanyang pagiging candid at relatable online. Madalas niyang ibinabahagi sa social media ang mga bahagi ng kanyang araw-araw na buhay at mga personal na karanasan. Bukod sa lifestyle at entertainment content, kilala rin si Bea sa kanyang pagiging bukas tungkol sa mga personal na milestones at hamon niya sa buhay, na nagbibigay-daan sa kanyang audience na makakonekta sa kanya sa mas malalim na paraan. Sa mga nagdaang taon, naging laman din siya ng balita dahil sa mga life updates na malapit sa puso ng kanyang mga followers, na lalo pang nagpapatatag sa kanyang presensiya sa lokal na social media culture.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling umani ng atensyon mula sa mga netizen si Bea Borres. Kamakailan, muling binigyang-diin ng aktres ang kanyang paninindigan ukol sa maagang pagbubuntis. Sa kanyang post, ipinaalala ni Bea sa kanyang mga followers na hindi niya ito "nino-normalize." Ayon sa kanya, hindi lahat ay kasing-lucky o kasing-pivileged niya.
Samantalang umani rin ng atensyon ang post ni Bea Borres mula sa netizens sa Instagram. Ang post ay lumabas ilang sandali matapos niyang kumpirmahin at ibahagi ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Sa kanyang story, nag-post si Bea ng screenshot ng private convo nila ni Barbie Imperial. Maraming netizen ang naantig sa palitan ng mensahe ng dalawang celebrity.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh