Erik Santos, naloka sa tanong ni Angeline Quinto sa isang FA: "Napaka mo talaga"
- Nag-viral kamakailan ang isang video ni Angeline Quinto habang siya ay nasa business class na flight
- Ibinahagi kasi ni Erik Santos ang naging tanong ni Angeline sa isang FA na siyang nagpatawa online
- Aniya tuloy ni Erik sa caption ng viral video, "Napaka mo talaga, Gel!!!"
- Umani naman ng mahigit isang milyong views ang naturang video ni Angeline
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag-viral at umani ng mahigit isang milyong views sa Instagram ang nakakatuwang video ni Angeline Quinto habang nasa loob ng eroplano, na kuha mismo ng kanyang kaibigan at kapwa-singer na si Erik Santos.

Source: Instagram
Sa naturang video, makikitang nakaupo si Angeline sa business class at may kausap na flight attendant (FA) habang sinusuri ang menu. Ang naging tanong ni Angeline ang siyang nagpatawa nang husto kay Erik.
Habang tinatanong ang FA tungkol sa mga pagkain sa menu, biglang nagtanong si Angeline tungkol sa isang bagay na tila personal niyang hinahanap.
"Ate, ano yung ano niyo? Ano yung salad?" tanong ni Angeline. Matapos namang sagutin ng FA ang kanyang inquiry, bigla na lamang nagtanong si Angeline ng: "Do you have tenga?"

Read also
John Prats, may makuwelang pagbati kay Isabel Oli sa kaarawan nito: "My favorite noise maker"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napa-react ang FA at sinabing, "Right now, we don't have that in our menu... We can suggest that."
Hindi pa dun natapos ang tawanan dahil agad namang napa-comment si Angeline ulit, “'Yun yung kine-crave ko kasi ngayon. Wala? Sige, ano ba yung malapit sa tenga? Ito na lang sakin, ate, chicken barbecue.”
Ang nakakatawang interaction ay kinunan ni Erik mismo, na sinamahan pa niya ng isang caption na: "Napaka mo talaga, Ge!!!" na nagpapakita ng labis niyang pagkaaliw sa matalik niyang kaibigan.
Say pa nga ni Erik, na labis pang tinawanan ng ilan: "Yung nasa business class ka pero naghanap ka ng tenga ng baboy for dinner."
Ang video ay mabilis na kumalat dahil sa pagiging natural at comedic ni Angeline sa business class.
Sa dulo, tila nag-settle si Angeline sa mas tradisyonal na chicken barbecue at simpleng tubig, ngunit ang kanyang paghahanap sa "tenga" ay nagbigay ng isang milyong tawa sa social media app.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Angeline Quinto ng madamdaming pagbati online. Para ito sa ina ni Vice Ganda na kilala ng fans niya bilang Nanay Rosario. Sa post, nagpasalamat si Angeline kay Nanay Rosario sa pagiging lola niya. Binanggit pa ng singer ang kanyang mga cute na anak na sina Sylvio at Sylvia.
Samantalang noong August ay nagdaos ng bonggang party sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina para sa kanilang anak na si Baby Sylvia. Para sa 1st Birthday nito, nag-throw sila ng isang Snow White themed birthday celebration. Ibinahagi naman ni Dave Sandoval ang ilang sulyap mula sa napakasayang party ni Sylvia.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh