Lie Reposposa, nagbigay pahayag sa viral “Tagalog at Bisaya” meme

Lie Reposposa, nagbigay pahayag sa viral “Tagalog at Bisaya” meme

  • Lie Reposposa, pumalag sa viral meme na gumagamit ng larawan nila ng kanyang foreigner boyfriend
  • Giit ng ex-PBB housemate, hindi raw sagot sa kahirapan ang pagkakaroon ng jowang banyaga
  • Nagpahayag siya ng pagkadismaya ngunit nanatiling magaan ang tono ng kanyang reaksyon online
  • Nagbiro pa si Lie tungkol sa mga bashers at engagement sa social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilang magsalita ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Lie Reposposa matapos muling mag-viral sa social media ang larawan nila ng kanyang foreigner boyfriend na ginamit sa isang meme na tumutukoy sa isyu ng “Tagalog at Bisaya.”

Lie Reposposa, nagbigay pahayag sa viral “Tagalog at Bisaya” meme
Lie Reposposa, nagbigay pahayag sa viral “Tagalog at Bisaya” meme (📷Angelie Reposposa/Facebook)
Source: Instagram

Sa naturang meme, makikita ang isang babae sa harap ng computer na may label na “Tagalog,” habang sa kabilang larawan naman ay si Lie at ang kanyang boyfriend na may label na “Bisaya.” Ipinahiwatig umano ng post na ang pagkakaroon ng banyagang karelasyon ang paraan upang “umunlad sa buhay” ang mga Bisaya—isang bagay na hindi pinalampas ni Lie.

Read also

Diamond Star Maricel Soriano, sumailalim sa discoplasty

Sa kanyang social media post, tahasang ipinahayag ni Lie ang kanyang saloobin laban sa stereotype na ito.

“Hindi kano ang sagot sa kahirapan. Kahit alien pa jowain mo, kung wala kang diskarte sa buhay, broke ka pa rin. Bisaya man o Tagalog, pareho lang tayong Pilipino – magkaiba lang, yung iba may manners, yung iba may WiFi pero walang respeto.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, nagulat umano siya nang makitang trending na naman ang kanilang mga larawan sa social media.

“Nagulat ako trending na naman mukha namin please lang pag pahingahin niyo na kami sa mga issue mind your own dishes 😌,” sabi pa ni Lie.

Bagama’t may halong inis, pinili ng aktres at komedyante na gawing magaan ang sitwasyon at biroin pa ang mga bashers.

“Papatol na ako ng bashers ngayon, mataas engagement eh hehe lab u guys happy happy lang 😁❤️” dagdag niya.

Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Lie, na kilala sa pagiging prangka ngunit kalmado sa mga isyung kinakaharap niya online. Pinuri siya ng ilan sa kanyang maturity at pagiging totoo sa sarili sa kabila ng mga birong tumatama sa kanyang personal na buhay.

Read also

Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro

Si Lie Reposposa ay unang nakilala bilang isang contestant sa Pinoy Big Brother: Otso noong 2018, kung saan hinangaan siya ng mga manonood sa kanyang pagiging masayahin at natural na personalidad. Mula sa pagiging simpleng Bisayang probinsyana, unti-unting umangat si Lie sa showbiz bilang singer, content creator, at social media personality. Sa kabila ng mga bashers at intriga, kilala siya sa kanyang kakayahang gawing positibo ang mga negatibong sitwasyon—isang ugaling muling pinatunayan sa isyung ito.


Isang proud moment ang ibinahagi ni Lie sa social media nang ipakita niyang binigyan niya ng bagong motorsiklo ang kanyang ama bilang simbolo ng kanyang tagumpay. Ayon sa kanya, isa ito sa mga paraan upang masuklian ang sakripisyo ng kanyang pamilya. Umani ng papuri ang post dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Lie sa kanyang mga magulang.


Sa isa pang viral post, ibinahagi ni Lie kung gaano kalaki ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang pumasok siya sa showbiz. Ayon sa kanya, hindi naging madali ang daan ngunit naniniwala siya na ang determinasyon at pananampalataya ang nagdala sa kanya sa kung nasaan siya ngayon. Pinuri siya ng netizens bilang inspirasyon sa mga kabataang gustong abutin ang kanilang mga pangarap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate