BINI leader Jhoanna, binuksan na sa publiko ang kanyang coffee shop sa Laguna

BINI leader Jhoanna, binuksan na sa publiko ang kanyang coffee shop sa Laguna

• Binuksan na ni Jhoanna ng BINI ang sarili niyang coffee shop sa Calamba, Laguna
• Ipinaabot niya sa social media ang saya at pagod na pinagdaanan bago matupad ang pangarap
• Inalay niya ang café bilang ligtas na lugar kung saan puwedeng magpahinga at makaramdam ng ginhawa
• Si Jhoanna ay lider ng BINI, ang sikat na P-pop girl group na sumikat sa mga kantang Pantropiko, Salamin, Salamin, at Karera

Jhoanna Robles/@bini_jhoanna on Instagram
Jhoanna Robles/@bini_jhoanna on Instagram
Source: Instagram

Binuksan na ni Jhoanna Robles, ang lider ng BINI, ang bago niyang coffee shop sa Calamba, Laguna nitong Martes, Oktubre 21.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi niya na siya na mismo ang may-ari ng bagong branch ng Brew and Co.

Ibinahagi rin niya ang pinaghirapan bago natupad ang pangarap.

Ayon sa kanya, ilang buwan din siyang nagsumikap, nagpuyat, at nagpursige para sa negosyong ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, sana raw ay maging ligtas at komportableng lugar ang café para sa lahat ng pupunta rito.

Read also

QC Prosecutor’s Office, ibinasura ang estafa case ng GMA laban sa TAPE officials

Si Jhoanna ay bahagi ng BINI, kasama sina Mikha, Aiah, Maloi, Colet, Sheena, Gwen, at Stacey. Nagsimula sila noong 2021 sa kantang Born to Win.

Mas lalo silang sumikat noong 2023 at 2024 dahil sa mga awiting Pantropiko, Salamin, Salamin, Karera, at iba pa na pumatok sa social media.

Tinagurian na rin silang “nation’s girl group” dahil sa kanilang kasikatan at mga tagumpay sa industriya.

Ilan pa sa mga kilalang kanta ng grupo ay Lagi, Cherry on Top, I Feel Good, Huwag Muna Tayong Umuwi, at Blink Twice.

Tignan ang litrato sa ilalim mula sa Instagram account ni BINI Jhoanna:

Jhoanna Robles/@bini_jhoanna on Instagram
Jhoanna Robles/@bini_jhoanna on Instagram
Source: Instagram

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Si BINI Jhoanna o Jhoanna Christine Robles ay ang lider ng sikat na P-pop girl group na BINI. Kilala siya bilang isa sa mga frontliners ng grupo dahil sa kanyang galing sa pagsayaw, pagkanta, at leadership. Bukod sa pagiging performer, isa rin siyang negosyante matapos buksan ang sarili niyang coffee shop na Brew and Co. branch sa Calamba, Laguna. Isa siya sa walong miyembro ng BINI kasama sina Mikha, Aiah, Maloi, Colet, Sheena, Gwen, at Stacey. Naging tanyag ang grupo sa mga kantang Pantropiko, Salamin, Salamin, Karera, Lagi, at Cherry on Top, at kinikilala na ngayon bilang “nation’s girl group” ng Pilipinas.

Read also

Jessica Sanchez, isinilang na ang kanyang baby girl na si Eliana Mae

In a previous report by KAMI, ipinahayag ni BINI member Aiah Arceta, isang proud Cebuana, ang kanyang pag-aalala para sa pamilya, mga kaibigan, at kapwa Cebuano matapos ang malakas na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30. Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi niya ang update card mula sa ABS-CBN News na naglalaman ng mga detalye tungkol sa pinsala ng lindol.

Ayon sa ulat, umabot sa magnitude 6.9 ang lindol na may tectonic origin at tumama bandang 9:59 ng gabi, may lalim na limang kilometro, at ang sentro ay 19 kilometro hilagang-silangan ng Bogo City, Cebu.

Nadama ito sa pitong rehiyon mula Bicol hanggang Zamboanga Peninsula, ayon sa Phivolcs. Sa kanyang mensahe, nagpaabot siya ng pag-asa na ligtas ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kababayan sa Cebu. Bagaman wala siya sa lungsod, ipinahayag ni Aiah ang kanyang malasakit sa mga naapektuhan. Patuloy na nakararanas ng aftershocks ang lugar kaya nananawagan ang mga lokal na opisyal na manatiling alerto at unahin ang kaligtasan. Marami ring mensahe ng pakikiramay at suporta ang dumating mula sa buong bansa para sa mga taga-Cebu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)