Maymay Entrata at Joaquin Enriquez, kinakiligan sa isang sweet TikTok video

Maymay Entrata at Joaquin Enriquez, kinakiligan sa isang sweet TikTok video

  • Nagbahagi ng TikTok video si Joaquin Enriquez kasama si Maymay Entrata na tila kumpirmasyon ng kanilang relasyon
  • May caption ang post na “I finally found Iris,” na sinagot naman ni Maymay ng “My Lover 🥹❤️”
  • Mabilis na umani ng kilig at suporta mula sa fans ang kanilang palitan ng komento online
  • Bagama’t walang opisyal na pahayag mula sa dalawa, naniniwala ang netizens na may espesyal na namamagitan sa kanila

Matapos ang mahabang panahon ng pananahimik tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig, muling umingay ang pangalan ni Maymay Entrata nang lumabas ang isang sweet TikTok video ni Joaquin Enriquez, isang content creator at aktor, kung saan makikitang magkasama silang dalawa.

Maymay Entrata at Joaquin Enriquez, kinakiligan sa isang sweet TikTok video
Maymay Entrata at Joaquin Enriquez, kinakiligan sa isang sweet TikTok video (📷joaquinenriquezz/TikTok)
Source: TikTok

Sa naturang video, makikita ang dalawa na tila komportableng-komportable sa isa’t isa, habang nilagyan ni Joaquin ng caption na, “I finally found Iris.” Agad namang napansin ng mga tagahanga ang komento ni Maymay na nagsabing, “My Lover 🥹❤️,” na sinagot naman ni Joaquin ng “Mahal kita :)❤️.”

Read also

Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro

Ang simpleng palitan ng mga salita ay naging sapat na para sa mga netizens upang maniwalang opisyal na ngang may relasyon ang dalawa. Komento ng isang fan, “Sobrang bagay nila! Kitang-kita ‘yung genuine happiness ni Maymay.” Habang may ilan namang nagsabing, “Deserve ni Maymay maging masaya. Ang tagal na niyang tahimik sa love life.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bago pa man lumabas ang naturang video, marami na ang nakapansin sa pagkakadikit ng dalawa. Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa social media ang isang viral clip ni Maymay kung saan makikitang may lalaking nag-aasikaso sa kanya habang napapaligiran ng mga fans. Hawak ng lalaki ang bag ng aktres at tila maalagang alalay habang naglalakad ito.

Ibinahagi ng isang user sa Reddit thread na r/ChikaPH ang naturang video at doon nagsimulang maghinala ang mga netizens na si Joaquin Enriquez ang misteryosong lalaki. May ilan pang netizens na naglabas ng screenshot ng Instagram post ni Joaquin na nagpapakita ng isang litrato kung saan tila kasama niya si Maymay, kahit nakatalikod ito.

Hindi naman ito ang unang beses na nagpalitan ng komento ang dalawa sa social media. Sa isa pang Instagram post ni Joaquin, nagkomento si Maymay ng, “Proud of you po ❤️,” na sinagot naman ng aktor ng isang simpleng smiley at red heart emoji—na agad ring napansin ng fans at nagpasimula ng espekulasyon tungkol sa kanilang ugnayan.

Read also

John Estrada, nagpakatotoo sa emosyon para kay Priscilla Meirelles

Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa panig nina Maymay at Joaquin, marami ang natuwa sa ideya na muling natagpuan ng aktres ang pag-ibig. Ang iba naman ay nagpahayag ng respeto sa kanyang desisyon na panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay. “Basta masaya siya, masaya rin kami,” ani ng isang tagahanga.

Samantala, ilang netizens din ang nagbalik-tanaw sa dating loveteam ni Maymay kay Edward Barber at sa kanyang dating non-showbiz boyfriend na si Aaron Haskell. Ngunit karamihan ay nagsabing panahon na raw para sa bagong kabanata sa buhay ng aktres.

Si Maymay Entrata ay isang aktres, singer, at model na unang sumikat matapos tanghaling Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.” Simula noon, naging bahagi siya ng iba’t ibang pelikula, teleserye, at fashion events, at kinilala bilang isa sa mga versatile artists ng ABS-CBN. Kilala siya hindi lamang sa kanyang karisma kundi pati na rin sa pagiging grounded at mapagmahal sa pamilya.

Samantala, si Joaquin Enriquez ay isang content creator at aktor na lumalabas sa ilang independent films at digital campaigns. Kilala siya sa kanyang creative storytelling sa social media at madalas ring tampok sa mga lifestyle at travel content.

Read also

Vico Sotto, kinaaliwan sa kanyang biro tungkol sa “payong” habang nasa city truck


Sa ulat ng KAMI, tinalakay ni Shuvee Entrata—kamag-anak ni Maymay—ang mga paghahambing sa pagitan ng kanilang istilo sa pag-arte. Aniya, bukas siya sa mga komentong may layuning magturo, at ipinagtanggol din niya si Maymay laban sa mga kritisismo. Pinuri ng netizens ang pagiging kalmado at mahinahon ni Shuvee sa pagtugon sa isyu.


Sa hiwalay na artikulo ng KAMI, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Maymay sa gitna ng krisis at negatibong balita sa bansa. Hinikayat niya ang mga Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na maniwala sa kabutihan. Muling pinuri si Maymay sa pagiging positibong impluwensya sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate