Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro

Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro

  • Ibinahagi ni Rachel Alejandro ang mga sandaling hindi niya malilimutan kasama ang ama na si Hajji Alejandro
  • Inamin ng singer-actress na madalas pa rin siyang maiyak sa tuwing naaalala ang masasayang alaala nila
  • Ikwinento ni Rachel na pinili ng kanyang ama na manatili sa bahay sa halip na magpagamot sa ospital bago pumanaw
  • Pinuri rin ni Rachel ang kanyang asawang si Carlos Santamaria sa walang sawang suporta sa panahong siya ay nagdadalamhati

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Pitumpung taong gulang si Hajji Alejandro nang pumanaw noong Abril dahil sa colon cancer. Sa panayam ni Rachel Alejandro sa programang Fast Talk with Boy Abunda, sariwa pa rin sa kanya ang mga alaala ng kanilang masasayang sandali bilang mag-ama.

Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro
Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro (📷Rachel Alejandro/Facebook)
Source: Facebook

Hindi naitago ng singer-actress ang emosyon habang ikinukuwento ang bigat ng pagkawala ng kanyang ama na tinaguriang “kilabot ng mga kolehiyala.”

“Everyday, kunwari I’m outside, naglalakad lang ako sa New York, minsan, I’ll just break down kasi may maaalala akong moment of us performing together or he said something funny,” kwento ni Rachel. “I find myself telling people stories of my dad—funny moments, things he used to say. He was really such a presence in my life.”

Read also

Chie Filomeno, ibinunyag ang betrayal mula sa taong itinuring na kaibigan

Ayon sa kanya, isa sa pinakamahirap na desisyong hinarap ng kanilang pamilya ay ang pagsang-ayon sa kagustuhan ng kanyang ama na manatili na lamang sa bahay sa halip na bumalik sa ospital. “He decided to stay at home. He just wanted to do palliative care… gusto niya lang ‘yung nasa bahay na lang siya. Ayaw na niyang magpagamot,” pagbabahagi ni Rachel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t gusto niyang ipaglaban pa ni Hajji ang kanyang karamdaman, pinili ni Rachel na igalang ang desisyon ng ama. “That was the hardest. Gusto ko siyang lumaban sana, pero sobra ko siyang mahal at respetado na hindi ko masabi sa kanya, ‘Oh my God, lumaban ka.’ I just wanted to respect what he wanted,” aniya habang pinipigilan ang luha.

Bukod sa alaala ng kanyang ama, pinasalamatan din ng singer ang kanyang asawang Espanyol na si Carlos Santamaria sa pagiging sandigan sa mga panahong malungkot siya. “When my dad passed, he came with me to the Philippines kahit may trabaho siya. He was there for me talaga. During the pandemic, he was my rock,” emosyonal na paglalahad ni Rachel.

Si Rachel Alejandro ay anak ng yumaong OPM icon na si Hajji Alejandro, isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music noong dekada ‘70. Kilala si Rachel bilang isa sa mga mahuhusay na mang-aawit at aktres sa bansa, na nakilala rin sa kanyang mga pelikula at stage musicals tulad ng Ang Larawan. Aktibo rin siya sa mga proyekto sa Pilipinas at abroad, habang nakabase sa New York kasama ang kanyang asawang si Carlos Santamaria, isang mamamahayag.
Sa artikulong ito ng KAMI, taos-pusong nagpasalamat si Rachel Alejandro kay Alynna Velasquez, ang partner ng kanyang ama, sa pagmamahal at pag-aaruga nitong ibinigay kay Hajji bago ito pumanaw. Ipinahayag ni Rachel na malaki ang kanyang utang na loob kay Alynna dahil hindi nito iniwan si Hajji hanggang sa huli. Aniya, “Thank you for loving my dad and for being there when we couldn’t be.”
Sa isang hiwalay na panayam, inamin ni Rachel na hirap siyang tanggapin ang desisyon ng kanyang ama na itigil ang gamutan at manatili sa bahay. Aniya, bilang anak, natural na gusto niyang ipaglaban pa ang buhay ng ama, ngunit sa huli ay pinili niyang igalang ang kagustuhan nito. Ibinahagi rin niya na ang karanasang ito ay nagturo sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng respeto at dignidad sa pagtatapos ng buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate