Jessica Sanchez, isinilang na ang kanyang baby girl na si Eliana Mae

Jessica Sanchez, isinilang na ang kanyang baby girl na si Eliana Mae

• Ibinahagi ng America’s Got Talent Season 20 winner na si Maria Laroco Sanchez ang pagdating ng kanyang unang anak kasama ang asawang si Rickie Gallardo
• Pinangalanan nila ang sanggol na Eliana Mae, na isinilang noong Oktubre 13
• Nagpaabot ng pagbati ang kanyang mga kapwa AGT contestants na Team Recycled sa social media
• Masaya rin niyang inalala ang kanyang pagbubuntis na unang ibinahagi sa AGT stage

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Jessica Sanchez/@jessicaesanchez on Instagram
Jessica Sanchez/@jessicaesanchez on Instagram
Source: Instagram

Ibinahagi ng America’s Got Talent Season 20 winner na si Maria Laroco Sanchez na ipinanganak na niya ang kanyang unang anak kasama ang asawang si Rickie Gallardo noong Oktubre 13.

Pinangalanan nila ang sanggol na Eliana Mae.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sanchez ang kanyang saya at pasasalamat sa pagiging ina.

Sinabi niyang, mula sa isang pangarap patungo sa isa pang yugto ng buhay, ito raw ang pinakaprecious sa lahat.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpasalamat din siya sa biyayang natanggap at sa pag-ibig na patuloy na lumalalim araw-araw.

Read also

Babaeng teacher, binaril ng sariling asawa sa loob ng paaralan sa Tanauan, Leyte

Nagbigay naman ng pagbati ang dance crew na Team Recycled, na kanyang mga nakasama sa AGT.

Anila, malugod nilang tinatanggap si Eliana at masaya silang minsan ay nakasama nila sa iisang entablado ang pamilya Sanchez-Gallardo.

Noong Hulyo, ibinahagi ni Sanchez sa social media ang ilang larawan ng kanyang pagbubuntis.

Makikita roon ang ultrasound, mga larawan kasama ang kanyang asawa, at mga Bible verse tungkol sa mga himala ng Diyos.

Ayon sa kanya, puno ng saya ang kanilang puso at naging mahirap itago ang pagbubuntis sa loob ng limang buwan.

Noong nakaraang buwan, itinanghal si Sanchez bilang grand winner ng AGT matapos makuha ang boto ng live audience.

Bukod sa kasikatan at karangalan, tumanggap din siya ng $1 milyon o humigit-kumulang P58 milyon bilang premyo.

Check out the beautiful photos of Eliana Mae below:

Aside from Jessica Sanchez, another Filipino singer who made waves in the international competition scene was Sofronio Vasquez, a Filipino singer who became famous after being declared the champion of The Voice Season 26 in America. Prior to this, he participated in local singing competitions in the Philippines such as Tawag ng Tanghalan and The Voice Philippines.

Read also

Bea Alonzo, nagulat sa sorpresa ng kanyang staff bago ang birthday

In a previous report by KAMI, Sofronio Vasquez’s win at the Season 26 of The Voice is also the first win of Michael Bublé as a coach of the singing contest. Sofronio bested four other finalists from Team Bublé, Team Reba, Team Snoop, and Team Gwen. He grew up in the Philippines but transferred to the United States in the year 2022 to try to bring realization to his dream in music. In a statement, Sofronio gave tribute to his late father, whom he said taught him to love music.

In another viral news related to Sofronio Vasquez, he reposted a clip from Tawag ng Tanghalan, at the time that he received advice from Rey Valera. Actress and award-winning singer Lea Salonga also congratulated Sofronio. It can be recalled that Sofronio did not receive any chair turn when he joined The Voice Philippines. He also did not make it as a champ in Tawag ng Tanghalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)