Jennica Garcia, naging emosyonal sa sinabi ni Melai Cantiveros: "Nakakaiyak naman"
- Isang simpleng Instagram story ang nagpaantig kay Jennica Garcia
- Ni-repost niya kasi ang story ni Melai Cantiveros kung saan tinag siya ng huli
- Tungkol ito sa pananampalatay, bagay na tila nagpa-emosyonal kay Jennica
- Dahil dito, inihayag ni Jennica ang labis niyang pag-admire kay Melai
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang simpleng Instagram Story ang nagbigay-daan sa emosyonal na sandali para sa aktres na si Jennica Garcia. Sa isang repost niya ng story ni Melai Cantiveros, hindi maitago ni Jennica ang kanyang pagkaantig, na nagpapakita ng lalim ng kanilang pagkakaibigan at pagpapahalaga sa isa't isa, lalo na sa kanilang pananampalataya.

Source: Instagram
Nagsimula ang lahat nang i-tag ni Melai si Jennica sa isang inspirational quote: "Imagine you get to Heaven and someone tells you, 'I got here because you weren't afraid to tell me about Jesus.'" May simpleng caption kasi si Melai para kay Jennica: "@jennicagarciaph That's you."
Ang maikling mensaheng ito ni Melai ay lubos na umantig sa puso ni Jennica, kaya naman ito ay ni-repost niya. Dito, nagbigay si Jennica ng kanyang sariling emosyonal na pahayag bilang tugon.

Read also
Netizens, labis na naaliw sa text convo nina Candy Pangilinan at Quentin: "Wag ka na mag-text"
"Partner, nakakaiyak naman," panimula ni Jennica, na nagpapahiwatig ng kanyang pagiging emosyonal sa pag-tag sa kanya ni Melai.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Lubos ang pasasalamat at paghanga ni Jennica sa kanyang kaibigan: "You are a blessing to many yourself. You are raising daughters that are women of God because you model to them a prayerful life. I admire you for your parenting and bold declaration that your family is a household that worships the Lord," aniya.
Malinaw na ang simpleng pagkilalang ito ni Melai sa pananampalataya at pagiging modelo ni Jennica ay tumagos sa kanyang damdamin. Ipinahayag ni Jennica ang kanyang paghanga sa pagiging prayerful ni Melai at sa tapang nitong ideklara na ang kanilang pamilya ay isang sambahayang sumasamba sa Panginoon.
Tinapos ni Jennica ang kanyang post sa maikling biro at pagmamahal: "Bakit ako nag-English, partner? Haha! I love you very much, thank you!"
Ang tagpong ito ay nagpapakita na sa gitna ng mundong puno ng glamor at kasikatan, nananatiling matibay ang pundasyon ng pananampalataya at pagpapahalaga nina Jennica at Melai, na lalong nagpapatibay sa kanilang pagkakaibigan.

Source: Instagram
Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan kamakailan si Jennica Garcia dahil sa kanyang reel. Sa Facebook ay nag-post kasi si Jennica ng makuwelang video kasama ang kanyang ina. Marami ang naaliw sa kulitan nila, kung kaya't pumalo ng mahigit 11M views ang video. Bukod pa rito ay marami rin ang natawa sa mga komento ni Jennica ukol kay Jean.

Read also
Chavit Singson, nagsalita na sa pagli-link sa kanila ni Jillian Ward: "Naririnig ko nga yan"
Samantalang ay kinagiliwan ng marami si Jennica Garcia dahil sa kanyang post. Nakipagkita kasi si Jennica kina Christine at Julius Babao, pati na rin kay Jewel Mische. Ngunit ang di inaasahan ng marami ay ang pagpapatawa ni Jennica. Ipinost kasi nito ang picture niya habang namimili ng pagkain sa menu sa isang resto na pumukaw sa atensyon ng marami.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh