Pokwang, binanatan ang mga 'nepo babies' online: "SHEIN vs. mamahaling outfit"

Pokwang, binanatan ang mga 'nepo babies' online: "SHEIN vs. mamahaling outfit"

  • Diretsang binatikos ni Pokwang ang mga "nepo babies" dahil sa kanilang mararangyang OOTD
  • Ikinumpara niya ang kanyang SHEIN outfit sa mga mamahaling kasuotan ng mga "nepo babies" online
  • Sa kanyang caption, tinuwiran niyang "sinayang ang pera ng bayan" sa labis na paggastos
  • Muli, nagpakita si Mamang Pokie ng katapangan sa pagpapahayag ng kanyang pananaw sa social media

Umani ng atensyon at samu't saring reaksyon ang isang post ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang Instagram kamakailan, kung saan tila binanatan niya ang tinatawag na 'nepo babies' at ang kanilang mamahaling mga "outfit of the day" (OOTD).

Pokwang, binanatan ang mga 'nepo babies' online: "SHEIN vs. mamahaling outfit"
Pokwang, binanatan ang mga 'nepo babies' online: "SHEIN vs. mamahaling outfit" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sa video clip, na pinagsama-sama ang iba't ibang fashion OOTDs ng iba't ibang indibidwal, kasama na ang sarili niyang larawan at video, inihambing ni Pokwang ang kanyang abot-kayang kasuotan mula sa brand na SHEIN sa mga "mamahaling outfit" ng mga 'nepo babies.'

"SHEIN vs. mamahaling outfit ng mga anak ng magna hahahaha t*ng*na, mas sinayang ang pera ng bayan, animal! Tapos mi, hindi nakahabol sa outfit ko na SHEIN! T*ng*na mez!"

Read also

Carla Abellana, inaming hindi alam saan kukunin ang pambayad sa P364,000 tax

Ang kanyang direktang pagpuna ay tila nakatuon sa mga 'nepo babies' na kilala sa kanilang marangyang pamumuhay at mga OOTD mula sa iba't ibang mga kilalang luxury brands.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging matapang si Pokwang sa pagpapahayag ng kanyang opinyon patungkol sa mga isyu sa lipunan at pulitika, lalo na't madalas siyang gumagamit ng kanyang social media platform para magbigay ng pahayag. Ang kanyang post ay mabilis na nag-viral, na nagdulot ng debate online tungkol sa isyu ng social stratification at corruption.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang pumuri sa kanyang pagiging lantad at sa pagpili niya ng abot-kayang damit. Sa kabila ng matinding online buzz na idinulat ng kanyang post, muling napatunayan ni Mamang Pokwang na nananatili siyang isang boses na hindi natatakot magsalita tungkol sa mga sensitibong paksa, tulad ng korapsyon sa bansa sa kanyang accounts.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Read also

Driver ng modernized jeep na inatake sa stroke at nakabundol ng biker, pumanaw din sa ospital

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nang-call out si Pokwang ng mga kurakot sa social media. Sa Instagram, may ni-repost si Mamang Pokie na viral video ng isang pari. Aniya kasi ng pari sa clip, grabe raw ang sistema ng korapsyon sa bansa. Dahil dito ay talagang muling napa-comment si Pokwang sa isyu ng korapsyon.

Samantalang ay nagpahayag ng matapang na sentimyento si Pokwang online. Kamakailan ay ni-repost ni Pokwang ang isang balita mula sa China. Ito ay tungkol sa agri minister na na-sentence to death dahil sa korapsyon. Bukod pa rito ay napaisip pa nga ang aktres tungkol sa araw ng eleksyon na tila dapat daw ata ay ilipat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco