Katy Perry at dating Canada PM, Justin Trudeau, nahuling nagpi-PDA sa isang yate

Katy Perry at dating Canada PM, Justin Trudeau, nahuling nagpi-PDA sa isang yate

  • Nakunan ng litrato sina Katy Perry at dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau habang magkasama sa isang yate malapit sa Santa Barbara, California
  • Makikita sa mga larawan na magkahawak at magkalapit ang dalawa habang nag-eenjoy sa dagat
  • Nag-ugat ang mga usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon noong Hulyo nang mamataan silang magkasamang naglalakad at kumakain sa Canada
  • Pareho silang hiwalay sa kani-kanilang dating kapareha at may mga anak mula sa nakaraang relasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Katy Perry on FacebookJustin Trudeau on Facebook
Katy Perry on Facebook/Justin Trudeau on Facebook
Source: Facebook

Nakunan ng mga litrato sina American pop star Katy Perry at dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau habang naglalambingan sa isang yate malapit sa Santa Barbara, California noong Oktubre 12.

Ayon sa mga ulat ng iba’t ibang international outlets, makikita sa mga larawan ang 40-anyos na mang-aawit at ang 53-anyos na dating opisyal na magkalapit habang nag-eenjoy sa alon.

Nakita rin si Trudeau na walang suot na pang-itaas at naka-mahabang pantalon habang hawak ang bewang ni Perry na naka-itim na swimsuit.

Read also

Lian Paz, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagpapatawad matapos makasama si Paolo Contis

Lalo nitong pinatibay ang mga balitang may namamagitan sa kanila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsimula ang usap-usapan noong Hulyo nang makita silang magkasamang naglalakad ng aso at kumakain sa isang restaurant sa Montreal, Canada, kasabay ng “Lifetimes Tour” ni Perry.

Ilang araw matapos iyon, dumalo si Trudeau sa concert ng singer sa Bell Centre.

Nauna nang inamin ni Perry nitong Hunyo na hiwalay na sila ng aktor na si Orlando Bloom matapos ang siyam na taon ng relasyon at anim na taong engagement.

Magkasama pa rin silang nag-aalaga sa kanilang 5-anyos na anak na si Daisy Dove Bloom.

Si Trudeau naman ay naghiwalay sa asawa niyang si Sophie Grégoire noong 2023 matapos ang 18 taong pagsasama. Mayroon silang tatlong anak — sina Xavier, 17, Ella-Grace, 16, at Hadrien, 11.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Buong pamilya na may 12 miyembro, nabalitaang tinangkang magpakamatay matapos ang lindol sa Cebu

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)