Awra Briguela, bumida sa unang pageant na sinalihan sa UE
- Awra Briguela nagpasiklab sa kanyang unang pageant, ang Hiyas ng Silangan 2025 sa UE
- Ibinida ni Awra ang kanyang red gown sa Instagram na agad nag-trending
- Umani siya ng papuri at positibong komento mula sa mga netizen
- Suportado ng UE Manila Student Council ang kanyang pagko-cross-dressing at karapatan sa gender expression
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Tila ibinuhos nn TV at social media personality na si Awra Briguela ang lahat ng kanyang galing at kumpiyansa sa unang pageant na kanyang sinalihan—ang Hiyas ng Silangan 2025 na ginanap sa University of the East (UE).

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post noong Sabado, Oktubre 11, ibinahagi ni Awra ang video ng kanyang pagrampa suot ang isang stunning red gown. Sa caption, ipinahayag niya ang kanyang pride sa performance:
“It’s her first pageant, but she’s walking like she’s done this forever. When the light hits her just right, you just know, she’s the moment.”
Kaagad na nag-trending ang naturang post at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen na labis na humanga sa confidence at elegance ng young star. Marami ang nagpahayag ng paghanga sa pamamagitan ng mga komento tulad ng “Ganda mo”, “Red is power and she is Red!!!”, at “SLAYED.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
May ilan ding nagsabing “When AWRA is not a name anymore, it’s now a mood” — patunay na bumilib ang mga netizen sa kanyang transformation at stage presence.
Ang pageant na Hiyas ng Silangan ay taunang event ng University of the East, kung saan ipinapakita ng mga kalahok ang kanilang talento, talino, at personalidad. Para kay Awra, tila ito ang kanyang bagong yugto sa pagpapakita ng self-expression at confidence bilang miyembro ng LGBTQ+ community.
Matatandaang dati nang ipinakita ni Awra ang kanyang paninindigan sa pagiging totoo sa sarili. Isa sa mga pagkakataong pinag-usapan siya ay nang kuwestiyunin ng ilan ang pagsusuot niya ng female uniform sa UE. Gayunpaman, mabilis na ipinagtanggol siya ng UE Manila Student Council, na naglabas ng pahayag:
“Everyone deserves a safe and inclusive environment—where no one is left behind or discriminated against, regardless of their identity.”
Ang pahayag na ito ay muling pinuri ng mga netizen, at ngayon ay mas marami pa ang humahanga kay Awra sa tapang niyang ipaglaban ang kanyang identidad at karapatan. Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinaharap niya nitong mga nakaraang taon, muling napatunayan ni Awra na kaya niyang bumangon, ngumiti, at magningning sa entablado.
Bukod sa pagiging aktor, kilala si Awra bilang isang content creator at influencer, na may malaking following sa social media. Sa kanyang mga post, makikita ang kanyang pagkamalikhain, humor, at passion para sa self-expression—mga katangiang mas lalong pinahalagahan ng kanyang fans matapos ang matagumpay niyang pageant debut.
Para sa marami, ang pagsali ni Awra sa Hiyas ng Silangan ay simbolo ng empowerment at representation para sa LGBTQ+ community. Ang confidence at grace na ipinakita niya sa entablado ay hindi lamang simpleng performance, kundi isang mensahe ng pagtanggap sa sarili at inspirasyon para sa iba.
Si Awra Briguela ay unang nakilala bilang child star sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ipinamalas niya ang kanyang kakayahan sa comedy at drama. Mula noon, naging viral personality siya sa social media at isa sa mga kilalang kabataan na lantad sa kanyang gender identity. Sa paglipas ng panahon, ginamit niya ang kanyang platform upang itaguyod ang self-confidence, equality, at inclusivity.
Sa artikulong ito, ibinahagi ni Awra ang kanyang pananaw tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng gender reassignment surgery sa hinaharap. Nilinaw niyang hindi pa ito prayoridad sa ngayon ngunit hindi rin niya ito isinasara bilang opsyon, dahil para sa kanya, ang mahalaga ay ang pagiging masaya at komportable sa sariling katawan.
Kamakailan, muling umani ng papuri si Awra matapos magpahayag laban sa korapsyon sa bansa. Sa kanyang post, ginamit niya ang kanyang plataporma upang hikayatin ang mga kabataan na maging mapanuri at makialam sa mga isyung panlipunan. Marami ang humanga sa kanyang tapang at maturity sa pagbibigay ng opinyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh