Elias J TV, kanselado ang US tour dahil sa visa issue, fans sa Amerika labis na nalungkot
- Kanselado ang US tour ni Elias J TV matapos hindi maaprubahan ang kanyang working visa
- Ayon sa ulat, ang reklamo ng dating manager na si Beverly Labadlabad ang naging dahilan ng visa denial
- Hindi rin matutuloy ang nakatakdang concert ni Elias sa Agusan del Sur
- Nalungkot ang Filipino communities sa Amerika na sabik sanang mapanood ang reggae star
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi na matutuloy ang inaabangang US tour ng reggae performer na si Elias J TV, pati na rin ang nakaiskedyul niyang concert sa Agusan del Sur, matapos mabigo ang kanyang working visa application. Ang balita ay labis na ikinalungkot ng mga Filipino communities sa Amerika na sabik sanang mapanood nang live ang kanilang idolo.

Source: Facebook
Nakasaad sa ulat na si Elias J TV ay dapat sanang tumulak papuntang Amerika para sa serye ng shows mula Setyembre 19 hanggang 28, 2025, na gaganapin sa Hawaii, Los Angeles, San Francisco, Las Vegas, at Texas. Ngunit ayon sa mga report, hindi naaprubahan ang kanyang visa dahil sa mga reklamong estafa at breach of contract na inihain ng dating manager nilang si Beverly Labadlabad.
Dahil dito, napilitan ang mga promoter at producer na kanselahin ang buong tour. Malaking abala umano ang idinulot nito, lalo na’t nauna nang inanunsyo ni Elias at ng kanyang banda sa social media na tuloy na tuloy ang kanilang biyahe at shows. Iyon din umano ang pinagmulan ng sigalot—nang maglabas sila ng imbitasyon sa mga fans kahit hindi pa tapos ang proseso ng visa approval.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang hindi inaasahang pangyayaring ito ay isang malaking dagok hindi lang kay Elias kundi pati sa kanyang mga tagasuporta. Marami sa mga Filipino sa Amerika ang nagplano nang dumayo mula sa iba’t ibang state para lamang mapanood siya, kaya’t hindi maiwasan ang pagkadismaya.
Sa likod ng pangalang Elias J TV ay si Elias Gabonada Lintucan Jr., ipinanganak noong Mayo 11, 2000, sa Magpet, North Cotabato. Isa siyang Criminology graduate na nagsimulang umawit at sumayaw sa edad na pitong taong gulang.
Taong 2021 nang pormal niyang simulan ang kanyang karerang musikal, at mula noon ay mabilis na siyang sumikat sa online platforms dahil sa kakaibang timpla ng reggae beats at kanyang karismatikong performance style. Kilala rin si Elias sa kanyang energetic at dance moves, na nagbigay sa kanya ng malaking following sa social media.
Ilan sa kanyang mga kilalang awitin at performances ay “Johnny Big Mouth,” “Modelong Charing,” “Boliviaz Riddim,” at “Sabak ka diri Gikumot kumot.” Bukod sa talento, madalas ding maikumpara si Elias sa kanyang mga inspirasyon tulad nina Elvis Presley, Michael Jackson, at Blakdyak.
Sa isang nakaraang panayam, napag-usapan ni Ogie Diaz ang posibilidad na maging manager ni Elias J TV. Habang patuloy ang isyu sa pagitan ni Elias at ng dati niyang manager na si Beverly Labadlabad, marami ang nagtatanong kung papasok si Ogie sa eksena upang tulungan ang reggae performer. Ipinahayag ng showbiz reporter na bukas siya sa ideya basta’t maayos na ang mga legal na usapin.
Kamakailan lamang, naglabas ng Regional Trial Court (RTC) ng preliminary injunction pabor kay Elias Lintucan at sa kanyang kampo laban kay Beverly Labadlabad. Ayon sa ulat ng KAMI, ang kautusang ito ay pansamantalang pumipigil kay Labadlabad sa pagsasagawa ng mga hakbang na makakasira sa karera ni Elias habang patuloy ang kaso. Tila ito ang nagbigay pag-asa sa panig ng reggae performer sa gitna ng kanyang kinakaharap na isyung legal.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh