Fyang Smith, nagsalita na tungkol sa paghampas niya sa isang marshal sa viral video
- Nagsalita na si Fyang Smith ukol sa viral niya na video kasama ang isang marshal
- Kumalat kasi noon sa social media ang video ni Fyang na tila may hinampas siyang marshal
- Dahil dito ay lubusang na-bash ang 'PBB' winner sa iba't ibang social media platforms
- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay nilinaw ni Fyang na close sila ng nasabing marshal
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kanyang pinakahuling pag-guest sa YouTube channel ni Ogie Diaz, tuluyan nang nilinaw ni Fyang Smith ang kontrobersiyal na video kung saan nakita siyang may hinampas na marshal.

Source: Youtube
Ang nasabing video ay kumalat online at umani ng iba't ibang reaksyon at panghuhusga sa netizens, kung saan marami ang nag-akala na mayabang o "uma-attitude" si Fyang sa staff.
Nilinaw ni Fyang kay Ogie na ang lalaking marshal na nakita sa viral video ay hindi lang basta marshal sa paningin niya. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang Kuya Bravo, na itinuturing niya nang kaibigan, tropa, at pamilya. "Ang tingin ko sa kanya friends, tropa, family ko na siya eh kasi every time na may ganap ako andun lagi siya sa tabi ko," aniya ni Fyang kay Ogie sa interview.
Ipinaliwanag ni Fyang na ang mga tao ay nagkamali ng interpretasyon dahil hindi nila nakikita ang kanilang bonding off-camera. "Hindi marshal yung turing ko dun kasi hindi naman nila nakikita kung paano kami mag-bond ng off-cam," say pa ng PBB winner sa viral na interview.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinunyag din ni Fyang na mas matindi pa ang koneksyon nila ni Kuya Bravo kaysa sa alam ng publiko. Sa interview, ibinunyag ni Fyang na bago pa siya pumasok sa PBB, ilang buwan na silang magkasama. Ayon kay Fyang, kasama niya si Kuya Bravo sa tinatawag na 'hotel arrest' bago ang pagpasok sa Bahay ni Kuya, kung saan siya raw ang nagbantay sa kanya ng isang buong linggo.
Naibahagi rin ni Fyang ang isang nakakatuwang detalye: Bago pa man pumasok ng PBB, sinabi na raw ni Kuya Bravo na siya ang magiging "big winner" sa show na kalaunan ay naging totoo. Nang lumabas na siya, aniya raw ni Kuya Bravo sa kanya, "O diba? Sabi ko sayo ikaw big winner."
Sa huli, ipinapakita ng paglilinaw na ito na ang mga video ay madalas na nagpapakita lamang ng isang maliit na bahagi ng kuwento, at ang aksyon na nakita ng lahat ay tila resulta lamang ng pagiging kumportable at malapit ni Fyang sa kanyang marshal na itinuturing niyang pamilya.

Source: Youtube
Si Fyang Smith ay isang Filipino na content creator at aktres, na nakilala matapos siyang maging Big Winner sa Pinoy Big Brother: Gen 11 noong 2024. Bukod sa kanyang PBB title, inilunsad din ni Fyang ang kanyang unang EP na Forever Fyang noong 2025 na naglalaman ng mga kanta tulad ng Mishu (Nasaan Si Fyang?) at Tayo Hanggang Dulo, na agad namayagpag sa mga music charts.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isa si Ogie Diaz sa mga nagbigay ng payo kay Fyang Smith. Ito ay matapos mag-viral ang ilan sa mga pahayag nito at maging nagagawa nito sa harap ng camera at maging ng live audience. Ilan sa mga ito ay ang naging pahayag niya na walang tatalo sa batch nila sa PBB at mga hindi umano kaaya-ayang nagawa sa mga kapwa PBB housemate habang sila ay nasa entablado.
Samantalang noong March naman ay naging panauhin ni Ivana Alawi si Fyang Smith sa kanyang vlog. Doon nasabi nilang nais nilang magkasama sa isang proyekto. Nabanggit din nilang nais nilang maging kontrabida lalo na si Ivana. Kasalukuyang house guest si Ivana sa programang Pinoy Big Brother na siyang pinagmulan ni Fyang kung saan siya naging Big winner ng Gen 11 Edition.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh