Sarah Lahbati, pinahanga ang netizens sa fluent niyang French sa Paris Fashion Week

Sarah Lahbati, pinahanga ang netizens sa fluent niyang French sa Paris Fashion Week

  • Sarah Lahbati, pinahanga ang netizens matapos magsalita ng fluent French sa Paris Fashion Week
  • Sa video ng Vogue Philippines, ipinahayag ni Sarah ang excitement sa Mugler show na kanyang unang beses na dadaluhan
  • Ang aktres ay ipinanganak sa Switzerland at marunong din ng German at Arabic bukod sa French
  • Ang kanyang video ay nagdulot ng papuri at biro online, lalo na matapos ang hiwalayan nila ni Richard Gutierrez

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling pinatunayan ni Sarah Lahbati na hindi lang siya basta mahusay sa harap ng kamera kundi isa rin siyang tunay na multilingual beauty, matapos mag-trending ang kanyang video kung saan siya ay nagsalita ng fluent French sa Paris Fashion Week (PFW).

Sarah Lahbati, pinahanga ang netizens sa fluent niyang French sa Paris Fashion Week
Sarah Lahbati, pinahanga ang netizens sa fluent niyang French sa Paris Fashion Week (📷@sarahlahbati/IG)
Source: Instagram

Sa isang video na ibinahagi ng Vogue Philippines, makikita si Sarah na eleganteng nagsasalita ng French habang sinasabing pupunta siya sa Mugler show — ang kanyang unang beses na dadalo rito. Bilang Vogue PH correspondent, inamin ng aktres na sabik siyang mapanood ang presentasyon ng brand, lalo na’t may bagong creative director, si Miguel Castro Freitas, isang Portuguese, Paris-based designer na nakilala sa kanyang mga trabaho sa Dior, Dries Van Noten, at Yves Saint Laurent.

Read also

Judy Ann Santos, may sweet na pagbati kay Lucho: "I am so proud to be called your mom"

Kabilang din sa mga bisita ng fashion show sina Elizabeth Berkley at Pamela Anderson, habang sa parehong video ay nakita rin si Sarah na masayang nakipagbatian kay Anne Curtis, na kapwa naggrace ng PFW shows.

Hindi napigilan ng mga netizens ang paghanga sa effortless French ni Sarah. Maraming bumati sa kanya online, at isa sa mga komento ang nagsabing: "Grabeee! She's definitely the most gorgeous, classy at effortless ang beauty! Love that French accent."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kanyang galing sa wika ay hindi nakapagtataka — ipinanganak si Sarah sa Switzerland sa isang Filipino mother at Moroccan father, kaya natural na lumaki siya na exposed sa iba’t ibang kultura at lengguwahe. Bukod sa French, marunong din siyang magsalita ng German at Arabic.

Marami rin ang nagsabing parang kaya niyang gumanap sa isang karakter sa sikat na Netflix series na Emily in Paris dahil sa kanyang poise at charm habang nagsasalita ng French.

Read also

Michael V, emosyonal sa ‘Bubble Gang’ reunion; excited sa collaboration nila ni Vice Ganda

Kasabay nito, umani rin ng mga playful at lighthearted na biro online ang kanyang video. May mga netizen na nagbiro kaugnay ng hiwalayan nila ni Richard Gutierrez, tulad ng komento ng isa: "@richardgutz eto lang naman ang sinayang mo."

Bukod kay Sarah, ilang mga Sparkle artists tulad nina Gabbi Garcia, Michelle Dee, at Max Collins ay nakitang dumalo rin sa mga show sa Paris Fashion Week, na mas nagpatunay ng patuloy na presensya ng mga Pilipino sa international fashion scene.

Si Sarah Lahbati ay isang Filipino-Moroccan actress, model, at dancer na unang sumikat sa GMA Network’s StarStruck V. Nakilala siya sa mga proyekto tulad ng Kokak at Basahang Ginto, at kalaunan ay lumipat sa ABS-CBN kung saan mas lumawak pa ang kanyang karera.

Bukod sa kanyang showbiz career, kilala rin si Sarah bilang isa sa mga pinakamagandang celebrity moms sa bansa. Siya ay may dalawang anak kay Richard Gutierrez, ngunit kamakailan ay lumabas ang balitang sila ay hiwalay na.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

Sa isang viral post, nagtanong si Sarah Lahbati kay Ellen Adarna tungkol sa isang Instagram post ni Ellen na tumukoy sa “baby Liana.” Maraming netizens ang napa-curious sa interaksiyon ng dalawang aktres, na agad namang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga tagasubaybay nila.

Sa isang panayam, ibinunyag ni Sarah ang totoong dahilan kung bakit siya dumalo sa Paris Fashion Week 2025. Aniya, hindi lang ito tungkol sa fashion kundi sa pagre-represent ng mga Pilipino sa global scene. Ibinahagi rin niya kung paano niya pinaghahandaan ang ganitong mga event, mula sa fitness hanggang sa wardrobe selection.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate