Ate Gay, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan matapos ang radiation

Ate Gay, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan matapos ang radiation

  • Comedian Ate Gay nagbahagi ng positibong update tungkol sa kanyang kalusugan matapos ang ilang linggong gamutan
  • Sa Facebook video, makikita ang pagliit ng bukol sa kanyang leeg na dati’y sanhi ng kanyang karamdaman
  • Patuloy siyang nagpapagamot sa Asian Hospital sa tulong ng isang anonymous donor na tinawag niyang “angel”
  • Matapos ang radiation therapy, labis ang kanyang pasasalamat sa Diyos at sa mga sumusuporta sa kanya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Magandang balita ang hatid ni Ate Gay sa kanyang mga tagahanga matapos ibahagi ang isang emosyonal at masayang update tungkol sa kanyang kalagayan.

Ate Gay, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan matapos ang radiation
Ate Gay, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan matapos ang radiation (📷Gil Aducal Morales/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook video post, ipinakita ng komedyante ang malaking pagbabago sa kanyang leeg kung saan makikitang halos wala na ang bukol na dati’y kanyang ikinabahala.

“Hello, wala na akong bukol. Konting-konti na lang oh,” masayang sinabi ni Ate Gay sa video habang ipinapakita ang bahagi ng kanyang leeg.

“Thank you Lord. I love you po. Thank you,” dagdag pa niya, puno ng pasasalamat.

Read also

Babaeng nag-report na may bagong silang sa kulungan ng baboy, siya pala ang ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang naturang video ay agad na nagpasaya at nagbigay-inspirasyon sa mga netizens na patuloy na sumusubaybay sa kanyang laban kontra cancer. Marami sa kanyang mga tagahanga at kapwa artista ang nagpaabot ng suporta at panalangin para sa kanyang patuloy na paggaling.

Si Ate Gay, na kilala bilang isa sa mga pinaka-mahuhusay at pinakamakukulit na impersonator ng bansa, ay unang naghayag ng kanyang stage 4 cancer diagnosis sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho noong Setyembre. Simula noon, kabi-kabila ang tulong na dumating mula sa mga tagahanga, kaibigan, at ilang personalidad sa showbiz.

Sa ngayon, patuloy siyang sumasailalim sa radiation therapy sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa. Aniya, malaking tulong ang suporta ng isang anonymous donor, na tinawag niyang kanyang “angel.” Dahil sa tulong na ito, nagkaroon siya ng pagkakataong magpagamot sa isang pribadong ospital nang hindi iniintindi ang gastusin.

Bago pa man nito, noong 2021, naranasan na rin ni Ate Gay ang matinding pagsubok sa kalusugan nang siya ay maospital dahil sa pneumonia. Sa panahong iyon, tinawag niya ang sarili na nasa kanyang “second life.” Kaya naman ngayon, lalo siyang kumapit sa pananampalataya at positibong pananaw sa buhay.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

Hindi rin mapigilan ng kanyang mga tagahanga na maantig sa kanyang katatagan at sense of humor sa gitna ng laban. Sa mga komento sa kanyang video, marami ang nagpasalamat at nagsabing si Ate Gay ay patunay ng “faith over fear.”

Ang kwento ng paggaling ni Ate Gay ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga kapwa niya artista kundi pati na rin sa mga Pilipinong patuloy na lumalaban sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, ay isa sa mga kilalang stand-up comedian at impersonator sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang nakakaaliw na performances sa comedy bars at mga palabas sa telebisyon, partikular na sa pag-gaya kay Nora Aunor, kaya’t tinagurian siyang “Superstar ng Comedy Bars.”

Sa kabila ng mga hamon sa buhay at kalusugan, nanatili siyang positibo at inspirasyon sa marami. Ang kanyang mga social media updates ay patuloy na nagbibigay pag-asa at saya sa kanyang mga tagasubaybay.

Read also

Joj Agpangan, inilahad ang mga detalye ukol sa bongga niyang engagement ring

Sa isang naunang artikulo ng Kami.com.ph, nagbahagi si Ate Gay ng isa pang nakakantig-pusong post tungkol sa mga taong tumutulong sa kanya sa panahon ng gamutan. Ayon sa kanya, labis siyang naantig nang malaman niyang marami pala siyang “angels” na handang tumulong, kabilang ang mga hindi niya personal na kakilala. Marami sa kanyang mga followers ang umiyak sa kanyang pasasalamat at inspirasyong hatid ng kanyang post.

Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, hindi napigilan ni Ate Gay ang maging emosyonal matapos makita ang mabilis na resulta ng kanyang radiation therapy. Sa kanyang update, pinasalamatan niya ang Diyos, ang kanyang mga tagasuporta, at ang mga medical professionals na tumutulong sa kanya. Ayon sa kanya, ramdam niya ang pag-asa at panibagong sigla sa bawat araw ng kanyang gamutan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate