Vicki Belo, 'sinusumbong' paminsan si Alex sa Ate Toni nito: "I have to call Toni"
- Inamin ni Vicki Belo na paminsan ay isinusumbong niya si Alex Gonzaga
- Aniya Vicki, may mga oras na kailangan niyang i-contact si Toni Gonzaga
- Say kasi ni Vicki sa vlog, may mga panahong hindi kasi siya pinapakinggan ni Alex
- Marami naman ang naaliw sa rebelasyon na ito ng kilalang celebrity dermatologist
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinunyag ni Dra. Vicki Belo na minsan ay kailangan niyang 'isumbong' si Alex Gonzaga sa kanyang ate na si Toni Gonzaga kapag matigas ang ulo nito at ayaw makinig sa payo niya bilang doktor.

Source: Youtube
Ito ay isiniwalat ni Dra. Belo sa kanyang latest vlog upload sa YouTube, kung saan tinalakay nila ni Alex ang naging karanasan ng komedyante sa kanyang rhinoplasty at ang pagpapatanggal ng implant.
Bukod dito ay natalakay din nila ang kagustuhan noon ni Alex na ipagawa ang kanyang labi. Dahil dito, isiniwalat tuloy ni Dra. Belo na kinakailangan niyang 'isumbong' paminsan si Alex.
"Alam mo, I have to call Toni," pag-amin ni Dra. Belo. "I have to call Toni kasi hindi nakikinig sa akin si Alex. I-text ko si Toni, 'Can you please talk to Alex kasi hindi nakikinig sa akin?'" aniya.
Read also
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inisa-isa naman ni Alex ang mga pagkakataong hindi siya nakikinig, kabilang na ang pagnanais niyang magpa-lip enhancement noon, na may malungkot naman na backstory ayon sa aktres.
Sa video, ani Vicki, "Sabi ko, okay, kasi ayaw ng Belo ng malalaking lips na ganun, gusto ko natural lang. So sabi ko, sumosobra na si Alex. Sabi ko hindi siya nakikinig sa akin," na sinagot naman ni Alex ng, "So tumawag ka pa sa ate ko talaga!" na kinaaliwan naman ng marami online.
Nang tanungin kung ano ang sinasabi ni Toni, ibinahagi agad ito ni Alex sa kanilang viral vlog:
"Sabi niya, 'Hoy! tinawagan ako ni doktora. Sabi niya, 'Ano ka daw.' Tas ako naman, tatawagan ko ulit yan si doktora ha! Tapos pag tinawagan ko si doktora, 'Doktora, gusto ko po,' 'Okay lang.'"
Ngunit nagbigay naman ng mas malalim na context si Alex kung bakit gusto niyang ipa-enhance ang labi niya noon. "Kapag nagpo-postpartum ka pala, doc, parang feeling mo na ang ang pangit pangit mo, tas pag tumitingin ako sa salamin, nalulugmok ako," aniya ng aktres sa viral video.
Read also
Ang kuwento nina Dra. Belo at Alex ay nagpapakita ng kanilang close relationship, kung saan hindi lang doktor at pasyente ang turingan nila kundi pati na rin parang magkakaibigan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Vicki Belo ay isang kilalang dermatologist, negosyante, at media personality. Noong 1990, itinayo niya ang kanyang unang clinic sa Makati, kung saan siya ang nanguna sa pagpapakilala ng liposuction at laser treatments sa bansa. Pinalawak niya kalaunan ang negosyo at itinatag ang Belo Medical Group, na ngayon ay may higit 15 branches sa buong Pilipinas. Kilala si Dra. Belo hindi lamang sa kanyang makabagong ambag sa larangan ng aesthetics kundi pati na rin sa kanyang personal na paglalakbay. Noong 2016, nalampasan niya ang Stage 3 Br*ast Cancer at ipinagdiwang ang kanyang pitong taon ng remission noong 2023. Bukas niyang ibinahagi kung paano siya sinuportahan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho.
Read also
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nilinaw ni Dra. Vicki Belo ang mga usapin ukol sa nose implant removal ni Alex Gonzaga. Aniya ng celebrity dermatologist, hindi raw "rejection" ang nangyari sa kilalang aktres. Sa video, ibinahagi pa nga ni Vicki ang ginamit nilang implant kay Alex na 'Gore-Tex', "Usually pag rejection, masakit siya, very tender."
Samantalang ay naging usap-usapan si Vicki Belo kamakailan dahil sa kanyang post. Ipinasilip kasi niya ang bonggang hotel villa na binook ni Hayden Kho. Aniya Vicki, parte raw ito ng kanilang 'anniversary' celebration ngayong taon. Marami naman sa kanyang mga tagahanga online ang talagang namangha sa ganda ng hotel villa na ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh