Vicki Belo, may nilinaw sa pagpapatanggal ni Alex Gonzaga sa kanyang nose implant
- Nilinaw ni Dra. Vicki Belo ang mga usapin ukol sa nose implant removal ni Alex Gonzaga
- Aniya ng celebrity dermatologist, hindi raw "rejection" ang nangyari sa kilalang aktres
- Sa video, ibinahagi pa nga ni Vicki ang ginamit nilang implant kay Alex na 'Gore-Tex'
- Dagdag pa nga ng doktor sa video, "Usually pag rejection, masakit siya, very tender"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nilinaw ni Dra. Vicki Belo ang mga usap-usapan tungkol sa pagpapatanggal ni Alex Gonzaga ng kanyang nose implant matapos ang dalawang taon. Taliwas sa inaakala ng marami, hindi raw dahil sa "rejection" ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Alex na ipatanggal na ito nitong 2025.

Source: Youtube
Sa isang video na in-upload sa YouTube channel ni Dra. Vicki, ibinahagi ni Alex ang kanyang naging karanasan sa pagpapagawa ng ilong. Aniya Alex, napagpasyahan niyang ipatanggal na ito dahil lagi umano itong namumula, bagay na napansin pa nga ng kanyang ina na si Mommy Pinty.
"Siguro dahil one time nangulangot ako nang super. Tapos parang after nun, nag-start na siyang mamula," pagbabahagi ni Alex. Paliwanag naman ng celebrity dermatologist, ang ginamit sa rhinoplasty ni Alex ay Gore-Tex, na may mas mababang chance ng rejection kumpara sa silicone.
Read also
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw ni Dra. Belo ang kanyang pananaw ukol sa sitwasyon ni Alex: "So what happened to you, I think, kasi it wasn't a rejection. Kasi I think you kept thinking it was a rejection. Hindi naman na-reject. If you put silicone po sa ilong, mas mataas ang chances mo na mare-reject, I think it's like 10 to 15%. Pero if it's Gore-Tex, which is what we used with you, the chances of rejection are like 1 to 2%. It's very mababa. And in your case, namumula siya, hindi dahil sa rejection," aniya Vicki.
"Hindi siya masakit kasi eh, doc," tugon ni Alex, na sumusuporta sa pahayag ni Dra. Belo. Patuloy pa niya, "Usually pag rejection, masakit siya, very tender. It could have started really with your manipulating the nose too much, tapos na-inflame yung tissue around it, so nagiging red. Now, what happens kasi in the body pag na-inflame, madalas nagkakaroon ng neovascularization."
Read also
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Vicki Belo ay isang kilalang dermatologist, negosyante, at media personality. Noong 1990, itinayo niya ang kanyang unang clinic sa Makati, kung saan siya ang nanguna sa pagpapakilala ng liposuction at laser treatments sa bansa. Pinalawak niya kalaunan ang negosyo at itinatag ang Belo Medical Group, na ngayon ay may higit 15 branches sa buong Pilipinas. Kilala si Dra. Belo hindi lamang sa kanyang makabagong ambag sa larangan ng aesthetics kundi pati na rin sa kanyang personal na paglalakbay. Noong 2016, nalampasan niya ang Stage 3 Br*ast Cancer at ipinagdiwang ang kanyang pitong taon ng remission noong 2023. Bukas niyang ibinahagi kung paano siya sinuportahan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Vicki Belo kamakailan dahil sa kanyhang post. Ipinasilip kasi niya ang bonggang hotel villa na binook ni Hayden Kho. Aniya Vicki, parte raw ito ng kanilang 'anniversary' celebration ngayong taon. Marami naman sa kanyang mga tagahanga online ang talagang namangha sa ganda ng hotel villa na ito.
Read also
Samantalang ibinahagi naman ni Vicki Belo ang isang nakakaantig at nakakatawang sandali tungkol sa kanyang asawa. Sa Instagram, nag-post si Vicki tungkol sa tinatawag niyang "beige flag" ni Dr. Hayden Kho bilang asawa. Ang rebelasyong ito ni Vicki ay ikinaaliw ng kanilang fans sa comments section. Marami ang natuwa sa cute na samahan ng dalawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh