Geneva Cruz, nagbahagi ng emosyonal na mensahe sa engagement ng anak na si Heaven

Geneva Cruz, nagbahagi ng emosyonal na mensahe sa engagement ng anak na si Heaven

  • Ibinahagi ni Geneva Cruz sa Facebook ang emosyonal niyang mensahe tungkol sa engagement ng anak na si Heaven
  • Inalala ng singer ang mga panahong ipinagkatiwala sa kanya ni Heaven ang mga plano sa pagpropose at pagdisenyo ng singsing
  • Pinuri ni Geneva ang mabuting puso ng anak at nagpasalamat kay Adi, ang mapapangasawa ni Heaven, sa tunay na pagmamahal nito
  • Nagpaabot din siya ng pasasalamat at pagmamalaki bilang ina, habang inaasahan ang pagkikita ng dalawang pamilya

Emosyonal na ibinahagi ng OPM singer at aktres na si Geneva Cruz ang kanyang mga saloobin matapos ma-engage ang kanyang anak na si Heaven sa kanyang kasintahang si Adi. Sa isang mahabang post sa Facebook, ibinuhos ni Geneva ang kanyang damdamin bilang isang ina na saksi sa bagong yugto ng buhay ng anak.

Geneva Cruz, nagbahagi ng emosyonal na mensahe sa engagement ng anak na si Heaven
Geneva Cruz, nagbahagi ng emosyonal na mensahe sa engagement ng anak na si Heaven (📷Geneva Cruz/Facebook)
Source: Facebook

“Son HeavenKnew, I always knew you would find your other half, someone who truly understands and loves you through all of life’s ups and downs. But I wasn’t prepared for the flood of emotions I felt when you sent me the video of your engagement,” panimula ni Geneva sa kanyang post.

Read also

Ibinahagi rin niya kung paanong nasaksihan niya ang journey ng anak mula pa nang makilala nito si Adi. Ayon kay Geneva, matagal nang ibinahagi ni Heaven sa kanya ang tungkol sa relasyon nila, maging ang detalye ng engagement ring na mismong siya ang nagdisenyo.

“Thank you, anak, for trusting me with your deepest feelings and plans — from the moment you told me about meeting a wonderful girl while I was in Balesin Island a few years ago, to when you designed this beautiful ring,” dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang ina, ipinahayag ni Geneva ang kanyang pasasalamat sa matatag na ugnayan nilang mag-ina. “I believe I have done my best as your mother, as our bond has remained strong despite all the challenges we’ve faced, and I am truly grateful for that. I am proud of your kind, loving, and hardworking nature, and as I always say, ‘Great things happen to those whose intentions are pure, no matter how long it takes.’”

Read also

Sa parehong post, pinasalamatan din niya si Adi sa pagmamahal nito sa kanyang anak. “Adi, thank you for loving my son wholeheartedly. It has been one of my few wishes because I know how deeply he loves, and he deserves someone who loves him as much.”

Ayon kay Geneva, matagal na niyang itinuring na bahagi ng pamilya si Adi. “I welcomed you into the family long ago, so that’s nothing new. However, I look forward to meeting your family and seeing you and my son Heaven, soon,” aniya.

Tinapos niya ang post sa mga salitang puno ng pagmamahal: “I love you both, and Congratulations again on the engagement."

Si Geneva Cruz ay isang kilalang singer at aktres sa Pilipinas, na unang sumikat bilang bahagi ng grupong Smokey Mountain noong dekada ’90. Bukod sa kanyang matagumpay na career sa musika, kilala rin siya sa kanyang pagiging hands-on na ina at sa mga inspirasyonal na post tungkol sa pamilya at kabutihan.

Read also

Kamakailan ay muli siyang bumalik sa spotlight hindi lang sa entertainment, kundi maging sa mga personal niyang tagumpay sa buhay.

Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Geneva na muli siyang nag-aral kahit nasa late 40s na siya. Pinatunayan niya na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap. “Learning never stops,” aniya, sabay pagbabahagi ng mga larawan mula sa kanyang pag-aaral. Ang kanyang kwento ay nagsilbing inspirasyon sa mga tagasubaybay na patuloy na nagsusumikap sa kabila ng edad o sitwasyon.

Sa isa pang viral post, naging matapang si Geneva sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa isyu ng korapsyon sa bansa. Maraming netizens ang pumuri sa kanyang katapangan at malasakit sa bayan. Ang naturang post ay nagpatunay na hindi lang siya isang artista, kundi isa ring mamamayang may pakialam at prinsipyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate