Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang "plan" ni JM de Guzman: "Now that’s a MAN"
- Isang mahabang mensahe ang ibinahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang nobyo
- Sa Instagram, ibinunyag ni Donnalyn ang bonggang "plan" ni JM para sa kanila
- Aniya JM, plano niyang pakasalan ang sikat na content creator balang araw
- Dahil dito, marami ang kinilig sa rebelasyon ni Donnalyn sa Instagram
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang mahabang mensahe ang ibinahagi ng content creator at vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kanyang Instagram, kasama ang ilang larawan na nagpapakita ng kanyang Juan Miguel — ang aktor na si JM de Guzman — na nagpapakita ng pagiging seryoso nito sa kanilang relasyon.
Sa kanyang viral na Instagram post, inihayag ni Donnalyn ang kanyang paninindigan sa pagpili ng partner sa buhay. Aniya Donnalyn, mahalaga na pumili ng "good man with a plan" sa buhay.

Source: Instagram
Inilarawan niya kung paano nagsimula si JM sa pagtawag sa kanya ng "his wife" noong 2023 pa lamang kahit hindi pa niya ito sinasagot. Ang pagpupursigi ni JM sa panliligaw ay umabot pa sa puntong naghintay siya ng isang taon bago niya ito sinagot na kinakiligan naman ng marami.
Read also
Ang pinaka-highlight ng kanyang post ay ang pagtukoy niya sa "unexpected response" ni JM sa isang usapan nila tungkol sa kanilang status noon. Sa isang larawan ng text conversation, makikita ang maikli ngunit matinding sagot ni JM na, "Nope. I plan to marry you baby." Ito naman ang dahilan kung bakit nasabi ni Donnalyn ang salitang: "The Plan. Now that's a MAN!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa naturang post, ibinahagi pa nga ni Donnalyn na ayaw niyang i-publicize ang relasyon nila, "His happy place pa raw is marrying me, choose a wedding dress peg he likes and everything. Hindi nakuntento, nag-post pa ulit. Sabi ko, wag na lang namin gawing public, private relationship na lang, AYAW NIYA. Kaya kahit I don't normally publicize my relationship, I did. I followed his lead."
Tinapos ni Donnalyn ang kanyang mensahe sa isang matamis at seryosong pahayag para kay JM na aniya'y nag-a-audition daw sa buhay: "To my Juan Miguel, you're auditioning for one of, if not, the most important role of your life: To be a husband. God bless a faithful man. Thy will be done."
Read also
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Donnalyn Bartolome ay isang kilalang personalidad sa internet mula sa Pilipinas. Siya ay isang vlogger, singer, rapper, at aktres. Kilala siya bilang 'Social Media Sweetheart' dahil sa kanyang malaking following sa iba't ibang platform tulad ng YouTube at Instagram. Nagsimula siyang makilala sa kanyang mga cover songs noon at pati na rin mga vlogs tungkol sa kanyang buhay. Sa kasalukuyan, kilala rin si Donnalyn bilang partner ng kilalang aktor na si JM de Guzman.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muli na namang nagpakilig si Donnalyn Bartolome sa social media. Binati kasi niya ang kanyang nobyo na si JM de Guzman sa kaarawan nito. Kalakip ng post niya ay isang mahabang mensahe tungkol sa journey nila. Aniya Donnalyn, labis daw ang pagka-proud niya sa kanyang nobyo dahil sa pagpupursigi nito sa buhay.
Samantalang ay naluha sa tuwa ang nobyo ni Donnalyn Bartolome na si JM De Guzman dahil sa ginawa niya. Kamakailan ay nag-post si Donnalyn ng 28-minute vlog ukol kay JM. Ani Donnalyn, matagal na raw pinapangarap ni JM ang bagay na ito kaya niya ito tinupad. Nang makita ni JM ang inihandang sorpresa ni Donnalyn, talaga namang naiyak ito sa saya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh