Tuesday Vargas sa kwentong nang-irap, nagtaray siya sa HK: "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo?"

Tuesday Vargas sa kwentong nang-irap, nagtaray siya sa HK: "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo?"

  • Nagbigay na ng kanyang panig ang aktres na si Tuesday Vargas
  • Inakusahan kasi siya sa Reddit ng isang netizen ng pagtataray
  • Aniya netizen, "total b*tch" daw kasi ang aktres sa Hong Kong
  • Dahil dito, agad na nagsalita ang komedyante sa paratang na ito

Noong Sabado, October 4, nagbigay ng kanyang panig ang aktres at komedyanteng si Tuesday Vargas matapos kumalat ang isang post mula sa isang netizen na nagsasabing siya raw ay naging masungit habang nasa Hong Kong.

Tuesday Vargas sa kwentong nang-irap, nagtaray siya sa HK: "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo?"
Tuesday Vargas sa kwentong nang-irap, nagtaray siya sa HK: "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo?" (@tuesday_v)
Source: Instagram

Isang screenshot ng isang Reddit post ang tila kumalat, kung saan inakusahan si Tuesday ng pagiging "rude" at "total b*tch" nang lapitan siya ng isang tagahanga para magpa-picture habang siya ay nagbabakasyon. Sinasabi sa post na inirapan at sinagot daw ng aktres ang fan ng "kaya nga ako andito para mag-relax" ng "sarcastic."

Agad na sinagot ni Tuesday ang isyu sa kanyang Facebook page, kung saan napatanong na lamang siya, "Bakit po may mga ganitong tao sa mundo? Lahat po ng nag-ask nicely sa akin ay pinagbigyan ko po magpa-picture. Nakakalungkot po na may ganitong mapaggawa ng kwento. Kung nalampasan ko po kayo, napakaraming tao at napakainit po noong araw na yon. Wala akong maalala na nang-irap ako at nagtaray sa kahit sinong MAAYOS akong nilapitan at nagpa-picture. Please lang po, huwag naman po tayong ganyan. Nakakasakit po kayo ng damdamin."

Read also

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi lamang nagpaliwanag si Tuesday, nag-post din siya ng isa pang entry sa Facebook, isang video kung saan makikita siyang nagpapaunlak sa mga fans na nagpapa-picture kasama siya.

Kahit siya ay may mga dalang maleta ay game na game pa rin ang aktres sa pagpapa-picture.

"Kung maayos na nagsabi, lumalapit nang nakangiti at hindi demanding o entitled, bakit naman hindi pagbibigyan magpa-picture? Sana alam ko kung sino ka na naninira para pwede tayong magharap at nang masabi ko sa iyo na kahit kailan ay hindi ako madamot sa oras ko at sa mga tagahanga ko. Kung talagang matapang ka ay sana sinabi mo sa akin doon mismo ang saloobin mo at di ka nakatago sa Reddit. Napakasakit. Sinusubukan kong maging mabuting tao parati pero ang dadami na kapwa ko Pilipino pa ang yumuyurak sa pagkatao ko. Kina ate na mababait, mag-enjoy po kayo! Deserve mo yan kasi mabait kang nag-approach," aniya ng komedyante sa post.

Read also

Si Tuesday Vargas ay isang Filipina actress, singer, comedienne, at TV host na kilala sa kanyang pagiging versatile sa larangan ng comedy at drama. Una siyang nakilala noong early 2000s dahil sa kanyang mga nakakatawang role sa telebisyon at sa kanyang paglabas sa iba't ibang variety shows at sitcoms. Dahil sa kanyang kakaibang sense of humor at lakas ng stage presence, naging pamilyar siyang mukha sa Philippine entertainment at madalas gumanap sa mga papel na nagbibigay-diin sa kanyang talas ng isip at husay sa comedy. Bukod sa pagpapatawa, napatunayan din niya ang kanyang talento sa mga seryosong role sa mga teleserye at pelikula.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nanawagan si Tuesday Vargas sa kapwa artista na sumali sa mga protesta laban sa korapsyon kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects. Nag-post siya ng placard online na may nakasulat na "Lahat ng sangkot, dapat managot," kalakip ang mga larawan ng ilang matataas na opisyal at kontratista.

Read also

Samantalang nagbahagi si Tuesday Vargas ng personal na kwento tungkol sa autism at ADHD diagnosis noong bata pa siya. Inamin niyang nakaranas siya ng mental health struggles kabilang ang anxiety at PTSD. Ibinunyag din ng aktres na dalawang beses pa nga siyang nagtangkang kitilin ang sariling buhay ngunit pinili pa ring lumaban.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco