Cryptic post ni Sofia Andres ukol umano sa mga nangongopya, usap-usapan
- Muling naging usap-usapan ang aktres na si Sofia Andres sa social media
- Kamakailan ay nag-post kasi ito ng cryptic na mensahe sa Threads page
- Ang kanyang post ay ukol sa pangongopya umano at sa salitang "clout"
- Napaisip tuloy ang ilan kung sino o kung meron ba siyang pinatutungkulan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling umingay ang pangalan ng aktres na si Sofia Andres sa social media matapos niyang mag-post ng isang cryptic message sa kanyang Threads account na tila may pinatutungkulan tungkol sa pangongopya at clout.

Source: Instagram
Ang nasabing post, na kalauna'y binura na rin ni Sofia, ay mabilis na na-repost ng entertainment page na The Scoop sa kanilang Facebook account, dahilan para magkaroon ito ng matinding atensyon mula sa netizens.
Sa kanyang Threads post, na mayroon na ring 396 likes bago burahin, ito ang isinulat ni Sofia: "Sad how some people copy you, chase your circle, and use you for clout. At the end of the day, God sees everything. Bless your soul."

Read also
Kim Chiu, personal na namili ng construction materials para sa mga biktima ng lindol sa Cebu
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad naging paksa ng usap-usapan, lalo na't maraming netizens ang nagtataka kung sino o kung meron bang pinatutungkulan ang aktres.
Subalit, worth noting naman na hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas si Sofia ng mga cryptic na mensahe sa social media. Noong 2024 ay ni-report ng Inquirer ang isang cryptic post niya tungkol sa mga "thieves." Samantalang noong taon din na yun ay ni-report naman ng GMA ang cryptic post niya tungkol sa "trust."
Sa ngayon, nananatiling palaisipan sa marami kung sino at ano ang pinagmulan ng post.
Si Sofia Andres ay isang sikat na Filipina actress at model. Nagsimula siya sa lokal na industriya bilang isang commercial model sa murang edad. Ang kanyang unang malaking break ay bilang si Dindi Maghirang sa teleseryeng Princess and I noong 2012, kasunod ng mga pelikulang She's the One at She's Dating the Gangster, kung saan nakasama niya ang sikat na tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Simula noon, naging tanyag na siya sa mga iba't ibang proyekto tulad ng Forevermore, Pusong Ligaw, Bagani, at higit pa. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Sofia bilang isang fashion at beauty influencer. Samantalang sa personal naman niyang buhay, si Sofia ay may anak na babae na si Zoe sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Sofia Andres dahil sa kanyang bonggang diamond ring. Sa post, ibinahagi ni Sofia na galing ang singsing sa Burt and Gurt Jewellery. Agad naman nag-viral ang post ng aktres at inulan ng "congratulations" mula sa celebrities. Ngunit, sa gitna ng pag-viral ng kanyang post ay nag-share si Sofia ng isang follow-up note.
Samantalang ay muling pinahanga ni Sofia Andres ang mga netizens. Sa isang viral video niya, makikitang pumunta siya sa Valencia Public Market. Kasama lang naman ni Sofia si Daniel Miranda at ang kanilang anak na si Zoe. Marami naman ang humanga sa pagiging 'down-to-earth' ng couple at ni Zoe dahil kumain lang naman sila habang nagkakamay tatlo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh