Julia Montes nang matanong tungkol sa mga nepo babies: "Sana all"

Julia Montes nang matanong tungkol sa mga nepo babies: "Sana all"

  • Nagpakatotoo naman si Julia Montes sa panayam sa kanya ni DJ Chacha
  • Kamakailan ay ipinost kasi ni DJ Chacha ang pag-uusap nila sa Instagram
  • Sa video clip, naitanong ni DJ Chacha ang aktres tungkol sa mga nepo babies
  • Biro tuloy ng sikat na aktres sa kilalang radio host, "Hashtag sana all" daw

Nakikisimpatiya ang aktres na si Julia Montes sa hinaing ng publiko patungkol sa kontrobersyal na isyu ng tinatawag na "nepo babies" sa bansa. Sa isang video clip na inilabas ni DJ Chacha sa Instagram page niya, nagbigay ng kanyang opinyon si Julia, at hindi niya nga napigilang magbiro.

Julia Montes nang matanong tungkol sa mga nepo babies: "Sana all"
Julia Montes nang matanong tungkol sa mga nepo babies: "Sana all" (@_djchacha)
Source: Instagram

Nagsimula ang talakayan nang tanungin ni DJ Chacha si Julia, "Anong masasabi mo sa mga nepo babies?" na diretsang sinagot niya ng, "Nalulungkot din ako." Ipinaliwanag niya na kung siya nga ay nag-iisip pa sa mga gagastusin, paano pa kaya ang mga ordinaryong empleyado sa Pilipinas.

Taliwas umano ang lavish lifestyle na nakikita sa ilang 'nepo babies' sa hirap ng buhay ng mas nakararami. Aniya, "So, ang hirap ng buhay. Pero pag nakakakita ka ng sobra ring lavish lifestyle, syempre napapaano ka rin na…" dito na bumulong si Montes at nagbigay ng banat: "Talaga ba? Napapaganun ka na lang?" Sa gitna ng usapin, nagbiro pa nga ang aktres, "Hashtag, sana all!"

Read also

Nadine Lustre, inaming hindi pa ready maging ina: "Takot na takot ako"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinalakay rin ni Julia ang mas malaking isyu na nakaaapekto sa lahat ng manggagawa sa Pilipinas — ang ekonomiya. "Ang napapansin ko kasi, tumataas ang bilihin, lahat. Pero ang sweldo, hindi tumataas. So sana, kung may tumataas man sa Pilipinas, tumataas din sana yung salary kasi hindi nababalanse," paliwanag niya kay DJ Chacha, bagay na sinang-ayunan ng ilan.

Ipinunto niya na malaking agwat o 'gap' ang nararamdaman sa pagitan ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas at ng kinikita ng isang empleyado, "Ang layo nung bigas sa sweldo na hindi tumataas. Pero taas 'to nang taas, so parang unfair din para sa mamamayan."

Tila napahanga naman si DJ Chacha sa katapangan at talas ng pag-iisip ni Julia sa mga isyu ng bansa. Pabiro pa niyang sinabi, "Galing ni Julia. Ikaw na lang kaya ang iboto namin sa 2028?"

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Julia Montes ay isang tanyag na Filipina actress na unang nakilala sa teleseryeng Mara Clara noong 2010, kung saan gumanap siya bilang Clara del Valle. Mula noon, mas lalo siyang nakilala bilang isa sa pinaka-versatile dramatic actresses ng kanyang henerasyon. Kilala siya sa kanyang husay sa pag-arte sa mga matagumpay na serye tulad ng Walang Hanggan, Muling Buksan ang Puso, at Ikaw Lamang. Hindi lamang sa telebisyon, kundi pati sa pelikula ay nagpamalas siya ng galing, gaya sa A Moment in Time at The Day After Valentine's. Sa kabila ng kanyang kasikatan sa show business ay kilala siya bilang pribadong tao pagdating sa kanyang personal na buhay.

Read also

Melissa Enriquez, ipinakita ang convo nila ni Sen. Kiko Pangilinan matapos ang viral FB post niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Julia Montes ang isang pero malaman na mensahe para sa sinumang babaeng balak agawin si Coco Martin. Sa isang vlog guesting, tinawanan ng aktres ang usapan ngunit binalikan ang pagiging kontrabida bilang babala. Hindi itinanggi ni Julia na dumaan siya sa insecurities.

Samantalang sa isang panayam kay Karen Davila, malinaw na sinabi ni Julia Montes na hindi si Zia Grace ang "love child" nila ni Coco Martin, paglilinaw sa matagal nang kumakalat na tsismis. Ayon sa aktres, ang pagkakahawig ni Zia Grace kay Coco Martin ang naging dahilan ng malawak ngunit walang basehang espekulasyon. Ipinahayag din ni Julia ang kanyang pag-aalala para sa tunay na mga magulang ni Zia Grace.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco