Vice Ganda, nag-sorry kay Lala Sotto at sa MTRCB sa kalagitnaan ng kanilang segment sa It's Showtime
- Napa-sorry si Vice Ganda kay Lala Sotto at sa MTRCB sa kalagitnaan ng jackpot portion ng kanilang segment na 'Laro Laro Pick' sa 'It's Showtime'
- Ito ay matapos makapagbanggit ng hindi angkop na salita sa telebisyon ang kanilang teacher na contestant
- Ang salita ay aksidenteng nabanggit ng contestant na maglalaro sa jackpot prize na P150,000
- Habang kinukwento ng guro na contestant ang kanyang mahirap na karanasan sa baha, ay siya naman niyang aksidenteng pagbanggit sa salita
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Facebook
Napa-sorry si Vice Ganda kina Lala Sotto at sa MTRCB habang nasa jackpot portion ng segment na "Laro Laro Pick" sa "It’s Showtime."
Nag-ugat ito nang makapagsabi ng hindi angkop na salita sa telebisyon ang teacher contestant.
Ang nasabing salita ay nabanggit niya habang naghahanda para sa jackpot prize na P150,000.
Habang ikinukwento ng guro ang kanyang naging mahirap na karanasan sa baha, doon niya aksidenteng nasabi ang salita.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad-agad namang nag-sorry si Vice at ang contestant sa salitang nasabi niya.
Gayunpaman, hindi na pinalaki ni Vice at ng iba pang hosts ang issue dahil batid nilang dala lang ng bugso ng damdamin kaya ito nangyari.
Business as usual sila pagkatapos at itinuloy ang jackpot portion ng laro.
Sa bandang huli, nanalo ang guro at nag-uwi siya ng total prize money na P50,000.
The current chairwoman of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) is Lala Sotto.
She is the daughter of veteran actor Tito Sotto and actress Helen Gamboa.
Lala is also a former city councilor of Quezon City before being appointed to head the MTRCB in July 2022 by President Ferdinand Marcos Jr.
As chairwoman, she is responsible for overseeing the regulation and classification of movies, television programs, and other related content in the Philippines.
Her leadership has drawn attention because of her strong stance on promoting values in entertainment while balancing issues on artistic freedom and public interest.

Read also
Erwan Heussaff, napatanong sa "French lesson" video ni Anne Curtis: "We've been together 15 years"
Panuorin ang kanilang nakalipas na episode dito:
Si Vice Ganda ay kabilang sa mga pinakakilalang personalidad sa mundo ng showbiz sa Pilipinas, hindi lang dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa kundi maging sa kanyang matapang na paninindigan sa iba’t ibang usaping panlipunan. Bagama’t ilang ulit nang inalok na pasukin ang politika, nananatili siyang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin hinggil sa mga isyung may kinalaman sa buhay ng karaniwang Pilipino.
Sa nakaraang artikulo ng KAMI, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Vice Ganda sa pagsasalita sa harap ng mga raliyista sa People Power Monument ngayong September 21. Hindi niya napigilang mapamura habang nagbibigay mensahe sa mga umano'y "nagnakaw" na opisyal ng gobyerno sa pondo ng taumbayan. Aniya, hindi siya magbibigay galang sa mga ito at hindi niya sisimplehan lamang ang mensahe sa mga skusadong tiwali ng gobyerno. Isa lamang si Vice Ganda sa nakiisa sa mga raliyistang Pilipino laban sa mga korap na opisyal ng pamahalaan.
Dagdag pa na balita tungkol kay Vice, Kinaaliwan ng netizens ang biro ni Vice Ganda nang tawagin siyang "Tatay" ng isang gurong contestant sa "It's Showtime." Pabirong tinanggihan ni Vice ang pagtawag sa kanya ng "Tatay" at itinuro pa si Jhong Hilario bilang kapalit. Ipinaliwanag ng Unkabogable Star na okay lang sa kanya ang matawag na "sir" o "ma’am," basta normal at hindi gawing katatawanan. Nagpaalala rin siya na hindi lahat ay pareho ng pananaw, at mahalagang itanong kung anong tawag o pronoun ang gusto ng isang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh