Vice Ganda, nawindang sa itinawag sa kanya ng isang teacher na contestant
- Kinaaliwan ng netizens ang biro ni Vice Ganda nang tawagin siyang "Tatay" ng isang gurong contestant sa "It's Showtime"
- Pabirong tinanggihan ni Vice ang pagtawag sa kanya ng "Tatay" at itinuro pa si Jhong Hilario bilang kapalit
- Ipinaliwanag ng Unkabogable Star na okay lang sa kanya ang matawag na "sir" o "ma’am," basta normal at hindi gawing katatawanan
- Nagpaalala rin siya na hindi lahat ay pareho ng pananaw, at mahalagang itanong kung anong tawag o pronoun ang gusto ng isang tao
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Nakakatawang eksena ang naganap sa "It's Showtime" nang matawag si Vice Ganda na kunwari ay "Tatay" ng isang gurong contestant sa segment na "Laro Laro Pick."
Nagsimula ito nang tanungin ng TV host-comedian kung malambing din bang makipag-usap ang guro sa kaniyang mister, na tinatawag niyang "Tatay."
Nang ipakita ng guro kung paano, tila kay Vice siya bumaling kaya pabirong umalma si Meme at itinuro si Jhong Hilario.
Ani Vice, "Huwag po ako, ito po [Jhong Hilario]. Sa dinami-dami naman Mader, nagbestida na nga ako eh, tanggap ko na ngang tinawag akong sir, pero 'yong tatay ba naman, akin pa rin!"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ang video clip sa verified Facebook page ni Vice na may caption na, "Tanggap ko na matawag na sir. Pero yung tatay akin pa rin???"
Kamakailan lamang, nilinaw ni Vice na hindi siya nai-offend kung matawag man siyang "sir" o "ma’am," lalo na ng mga contestant.
Ayon sa kanya, "Let’s normalize being called ‘sir.’ Normal lang ‘yon. Pero puwede rin akong ‘ma’am,’ okay din ako sa ‘ma’am.’"
Dagdag pa niya, hindi lahat ng tao ay kagaya niya.
Mayroon din daw na mas komportable kapag tinatanong muna kung anong pronoun o tawag ang nais nilang gamitin.
Panuorin ang nakaka-aliw na bidyong ito:
Si Vice Ganda ay kabilang sa mga pinakakilalang personalidad sa mundo ng showbiz sa Pilipinas, hindi lang dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa kundi maging sa kanyang matapang na paninindigan sa iba’t ibang usaping panlipunan. Bagama’t ilang ulit nang inalok na pasukin ang politika, nananatili siyang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin hinggil sa mga isyung may kinalaman sa buhay ng karaniwang Pilipino.
Sa nakaraang artikulo ng KAMI, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Vice Ganda sa pagsasalita sa harap ng mga raliyista sa People Power Monument ngayong September 21. Hindi niya napigilang mapamura habang nagbibigay mensahe sa mga umano'y "nagnakaw" na opisyal ng gobyerno sa pondo ng taumbayan. Aniya, hindi siya magbibigay galang sa mga ito at hindi niya sisimplehan lamang ang mensahe sa mga skusadong tiwali ng gobyerno. Isa lamang si Vice Ganda sa nakiisa sa mga raliyistang Pilipino laban sa mga korap na opisyal ng pamahalaan.
Samantalang ay nagpasaring si Vice Ganda tungkol sa pagkapanalo ng mga Pinoy sa ibang bansa pero talo umano sa sariling bayan. Binanggit niya ang panalo ni Jessica Sanchez bilang Grand Winner ng America's Got Talent S20. Sinabi niya na nakakahiya kung sa Pilipinas mismo ay hindi nananalo ang mga Pilipino. Nagbigay din ng reaksyon ang co-hosts niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh