Nadine Lustre, inaming hindi pa ready maging ina: "Takot na takot ako"
- Nag-viral kamakailan ang pagpapakatotoo ni Nadine Lustre
- Nakapanayam kasi siya ni MJ Felipe sa TV Patrol nito lamang
- Sa interview, umamin ang aktres na hindi pa siya ready maging ina
- Aniya pa nga ni Nadine, takot na takot daw siyang maging mommy
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-viral ang naging pahayag ng aktres na si Nadine Lustre matapos niyang aminin na sa kasalukuyan ay hindi pa siya handa at kinatatakutan pa nga niya ang responsibilidad ng pagiging isang ina lalo na sa dami ng kanyang trabaho.

Source: Instagram
Ito ay matapos siyang makapanayam ni MJ Felipe ng TV Patrol tungkol sa kanyang paparating na pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kasama ang 'Unkabogable Star' Vice Ganda, na may pamagat na 'Call Me Mother.'
Sa interview, na-usisa si Nadine ukol sa tema ng pelikula, na umiikot sa konsepto ng motherhood. Ngunit ibang-iba naman ang kanyang saloobin ukol dito sa personal niyang buhay. "Nakaka-takot maging nanay, honestly," aniya Nadine.

Read also
Melissa Enriquez, ipinakita ang convo nila ni Sen. Kiko Pangilinan matapos ang viral FB post niya
Ipinaliwanag niya na sa tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak, tila hindi pa niya nakikita ang sarili na haharap sa ganung responsibilidad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inilahad ni Nadine na ang kanyang pangunahing dahilan kung bakit hindi pa siya handa ay dahil sa matindi niyang focus sa kanyang trabaho at mga negosyo.
"I've been working for as long as I can remember, and I can't imagine having another responsibility other than my career," paliwanag niya sa interview.
Sa kasalukuyan, buong atensyon niya ang ibinibigay niya sa kanyang professional life, "Like I’m so focused with my career and of course this guy [ang kanyang partner], and our businesses as well, so parang hindi ako ready."
Bagama't takot siyang pasukin ang mundo ng motherhood, binigyang pugay naman ni Nadine ang lahat ng mga ina, "So saludo talaga ako sa mga Mommies," pagtatapos niya, na nagpapahiwatig ng paghanga sa mga kababaihang mommy.
Ang pahayag ni Nadine ay nagpapakita ng kanyang pagiging tapat at ang pagkilala niya sa bigat at kahalagahan ng pagiging isang ina, na isang desisyong hindi niya nais madaliin, bagay na umani ng papuri sa mga netizens online.
Watch the video below:
Si Nadine Lustre ay isang multi-talented na Filipina celebrity na kilala bilang aktres at singer. Ipinanganak bilang Nadine Alexis Paguia Lustre noong October 31, 1993, nagsimula siya sa showbiz sa murang edad. Ang kanyang malaking break ay dumating noong 2014 nang gampanan niya ang karakter ni Eya Rodriguez sa film adaptation ng Wattpad novel na Diary ng Panget. Sa telebisyon, lalo siyang nakilala sa pagganap bilang Leah Olivar sa ABS-CBN series na On the Wings of Love, kung saan hinangaan ang kanyang kahusayan sa pag-arte.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nilinaw ng partner ni Nadine Lustre na wala silang kinalaman sa reef destruction issue sa Tuason, Siargao. Ayon kay Christophe Bariou, unfairly targeted ang kanilang restaurant na Ver De Siargao dahil sa business partner na sangkot umano sa proyekto. Binatikos naman ng mga environmental advocates ang umano'y paggamit ng backhoe sa reef area para sa luxury villa project.
Samantalang pinag-usapan si Nadine Lustre online dahil sa bago niyang mga litrato. Kuha ng @munimuni.studio, makikita si Nadine na halos nakalubog sa tubig. Ayon sa team sa likod ng shoot, suot niya ang espesyal na 'Daloy' dress. Ngunit ang lalo pang nagpa-viral sa post ay ang tunay at taos-pusong reaksyon ni Ivana Alawi sa mga larawan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh