Melissa Enriquez, ipinakita ang convo nila ni Sen. Kiko Pangilinan matapos ang viral FB post niya
- May panibagong post si Melissa Enriquez ukol kay Sen. Kiko Pangilinan
- Sa Instagram, ibinunyag niya na nag-reach out siya sa senador online
- Aniya Melissa, nag-PM siya matapos ang kontrobersiyal niyang post
- Matatandaang nag-viral kasi siya nang murahin niya ang senador sa Facebook
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-viral kamakailan ang isang Instagram post ng content creator na si Melissa Enriquez matapos niyang ibahagi ang kanyang personal message exchange kay Sen. Kiko Pangilinan. Sa kanilang naging pag-uusap, humingi ng paumanhin si Melissa tungkol sa isang kontrobersyal at, kalaunan, ay dinelete niyang Facebook post kung saan siya naglabas ng matitinding salita laban sa senador.

Ayon sa screenshot ng kanilang PM, ipinaliwanag niya kay Sen. Kiko na siya ay nakakatanggap ng "bashing" dahil sa naging paraan niya ng pagpapahayag ng opinyon ukol sa malawak na usapin ng agrikultura o "breakfast."
"Hi, Sen. Kiko, people are bashing me po regarding sa post ko about how I expressed my opinion po dun sa breakfast na panukala niyo," simula ng mensahe.
Ipinahayag niya ang kanyang pagsisisi sa naturang deleted na post, aniya, "Humihingi po ako ng sorry dahil mali po ang naging way ko to express my opinion kasi po sa caption ko para po akong naging hater niyo, then sa comment section ko, nilagay ko dun na sana sa job and high salary ang mapag-focus-an which is ang t*nga ko dahil job sa mga farmers naman din yun."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nag-aalala rin siya sa naging epekto ng kanyang pag-uugali. "Sorry po ulit sa naging actions ko, and I admit na kulang ang knowledge ko sa politics, and next time I will be more careful sa paggamit ng platform ko," pagtatapos ng mensahe.
Ang sagot naman ni Sen. Kiko ang lalong pumukaw sa atensyon ng netizens.
Sa kabila ng matitinding salita na ibinato sa kanya, nagbigay ang senador ng isang napakaayos at mapagpakumbabang tugon. "No problem at all, Melissa. Lahat tayo nagkakamali," tugon niya. Nagpasalamat pa siya kay Melissa at nagbigay ng payo tungkol sa kanyang adbokasiya. "Salamat at mas nauunawaan mo yung proposal bili. Yun naman ang mahalaga. At sana maging supporter ka din. Para sa nutrisyon ng ating mga school children," aniya pa nga ng senador.
"Salamat din sa pagiging mapagkumbaba. Ingat lagi," dagdag pa ni Sen. Kiko.
Sa Instagram, nagsulat si Melissa ng caption na nagpapahayag ng kanyang pasasalamat at paghanga sa senador dahil sa pagiging mabuti ng senador.
"Hello, I just want to share that during the time I was receiving criticism for disagreeing and saying unpleasant words towards Senator Kiko. I reached out to him through Instagram to extend my sincere apology, and this was his response. Thank you, Senator @kiko.pangilinan," saad ni Melissa sa kanyang Instagram.
Si Melissa Enriquez ay isang Filipina content creator at social media personality na nakilala sa paggawa ng nakakaaliw at relatable na videos online. Dahil sa kanyang pagiging totoo at unique na style ng pagkukuwento, mabilis siyang minahal ng netizens, at nakakuha ng mahigit 500,000 subscribers sa kanyang channel sa YouTube. Bukod pa rito ay kilala rin si Melissa biglang kapatid ng model ay TV personality na si RR Enriquez na kilala bilang "Sawsawera Queen."
Si Melissa Enriquez ay isang Filipina content creator at social media personality na nakilala sa paggawa ng nakakaaliw at relatable na videos online. Dahil sa kanyang pagiging totoo at unique na style ng pagkukuwento, mabilis siyang minahal ng netizens, lalo na ng mga kapwa misis at nanay na nakaka-relate sa mga kwento niya tungkol sa asawa at mga
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang naaliw ang kapatid ni Melissa Enriquez na si RR Enriquez dahil sa iniwang komento ni Mariel Padilla. Kamakailan ay nag-post si RR ng video niya habang nasa Rejuva Aesthetics. Ngunit, talagang natawa si RR dahil tila may ibang napansin si Mariel.
Samantalang si Kiko Pangilinan naman ay nagdulot ng matinding buzz sa social media dahil sa kanyang post. Kamakailan ay kinuwestiyon kasi niya ang 'sworn statement' nina Curlee at Sarah Discaya. Aniya Kiko, "2016 pa sila sa flood control projects pero mula lang 2022 ang mga pinangalanan."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh