Cristy Fermin, mula sa source ukol sa maugong na kasalan ng JuRald: "Tuloy na tuloy na raw"

Cristy Fermin, mula sa source ukol sa maugong na kasalan ng JuRald: "Tuloy na tuloy na raw"

  • Nalaman ni Cristy Fermin mula sa kanyang source na ikakasal na umano sina Gerald Anderson at Julia Barretto
  • Nagbigay pa umano ng buwan ang source kung kailan posibleng maganap ang kasal
  • Nabanggit din na tila sa GenSan gaganapin ang kasalan, sa lugar kung saan umano lumaki si Gerald
  • Matatandaang naging maugong ang pagkakaayos ng dalawa nang makitang magkasama ang mga ito sa burol ng tiyo ni Julia kamakailan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nakatanggap ng mainit na impormasyon si Cristy Fermin mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source tungkol sa napapabalitang kasalan nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Ayon sa ulat, “tuloy na tuloy na raw” ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple na matagal nang usap-usapan sa showbiz.

Cristy Fermin, mula sa source ukol sa maugong na kasalan ng JuRald: "Tuloy na tuloy na raw"
Julia and Gerald (@andersongeraldjr)
Source: Instagram
“Ayon sa aming source ay gaganapin ang kasal nina Gerald at Julia sa General Santos City. Sa GenSan kung saan nagmula at lumaki si Gerald. At kung hindi magbabago ang kanilang plano, sa buwan ng Mayo o Hunyo sa susunod na taon itatakda ang kanilang pagpapakasal."

Read also

TikTok prankster, himas-rehas dahil sa kanyang viral 'Syringe Prank'

Matatandaang naging maugong ang balita tungkol sa muling pagkakaayos ng dalawa matapos silang makitang magkasama sa burol ng tiyo ni Julia kamakailan. Mula noon ay umugong ang mga espekulasyong nagkabalikan na ang dating magkasintahan.

Dagdag pa ni Cristy, “Basta ang mahalaga, nagkabalikan na at patungo na sa altar ang relasyon.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, Ibinahagi rin ng source ni Cristy ang dahilan ng tila naantalang proposal, “Kaya nga raw na-postpone yung proposal e kasi nga naghahanap nung bato na dapat ibibigay ni Gerald kay Julia.”

Gayunpaman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa kampo nina Gerald at Julia ukol dito.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy Fermin sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa kanyang nobya na si Julia Barreto.

Read also

Ate Gay, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan matapos ang radiation

Sa kabila ng mga unang naging usap-usapang 'cool-off' umano sila, minsan pang pinabulaanan ni Gerald na nag-break na umano sila ni Julia sa isang interview sa kanya ni Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon.

Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma ng Star Magic ang hiwalayan nina Julia at Gerald, bagay na matagal na raw umanong alam ni Ogie Diaz. Matatandaang minsan na siyang nabansagan na "Patron ng hiwalayan" at ngayon, isa umano si Ogie sa naunang nakapagbalita na 'di umano'y tapos na ang relasyon ng JuRald.

Subalit, ilang araw lamang matapos ang kumpirmasyon ng Star Magic, mabilis na kumalat ang mga video at larawan na magkasama umano ang dalawa sa burol ng namayapang tiyo ni Julia. Doon makikita rin na tila abala si Gerald sa pamilya ni Julia kaya naman marami ang naniniwalang nagkabalikan na umano ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica