Kiray Celis, labis ang kilig at tuwa nang makatapak sa 'Ying De University'
- Labis namang kinilig si Kiray Celis sa pagtapak niya sa "Ying De University" sa Taiwan
- Aniya ng kilalang aktres, isa raw itong "dream come true" moment para sa kanya
- Sa Instagram, ipinasilip ni Kiray ang kanyang masayang bakasyon sa naturang lugar
- Matatandaang ang Ying De University ay ang fictional elite school sa Meteor Garden
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang "dream come true" moment ang ibinahagi ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis sa kanyang social media matapos niyang matupad ang matagal na niyang pangarap: ang bisitahin ang sikat na eskuwelahan mula sa Taiwanese drama na nag-iwang ng marka sa mga Batang 90's.

Source: Instagram
Sa isang serye ng larawan na kanyang in-upload sa Instagram account niya, makikita ang aktres na nagpakuha ng litrato sa iba't ibang parte ng campus na naging tampok sa paboritong serye ng maraming Pilipino, ang Meteor Garden. Ang fictional school na ito na pinasukan nina Shan Cai at Dao Ming Si ay ang National Chung Cheng University sa Chiayi, Taiwan, sa totoong buhay.
Read also
Kitang-kita ang kasiyahan at pagka-fan ni Kiray sa kanyang caption, kung saan nag-iwan siya ng isang nostalgic na mensahe: "BATANG 90's!!! Naalala niyo ba 'tong YING DE UNIVERSITY ni SHAN CAI at DAO MING SI? Grabe! Dream come true 'to! Natapakan ko rin yung natapakan nila. OA! HAHAHAHA! Thank you, @gladextours for this!" aniya ng kilalang actress-comedian sa post.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mula sa mga litratong ibinahagi ni Kiray, makikita ang iconic na facade o harapan ng Administration Building, na madalas makita sa mga eksena ng show. Ang sikat na daanan naman sa loob ng campus na may matatayog tree-lined path ay ipinakita rin ni Kiray.
Isa ang National Chung Cheng University sa mga sikat na pilgrimage sites ng mga fan ng Meteor Garden dahil dito kinunan ang maraming memorable school scenes ng drama. Ang pagbisita ni Kiray ay talagang nagbalik-tanaw sa "Meteor Garden fever" na sumakop sa Pilipinas noon.
Read also
Hindi maitago ang tuwa ng aktres na, tulad ng maraming Pinoy, ay lumaking nanonood at humanga sa kuwento ng pag-ibig nina Shan Cai at Dao Ming Si sa nasabing palabas.
Swipe left para makita ang iba pang photos:
Si Kiray Celis ay isang Filipina actress, komedyante, negosyante, at vlogger. Nakilala siya nang husto bilang child star sa ABS-CBN show na Goin' Bulilit at kalaunan ay lumabas din sa drama series na Mara Clara. Sa paglipas ng mga taon, ipinakita ni Kiray ang kanyang versatility sa pagganap ng iba't ibang papel sa telebisyon at pelikula. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nadiskubre ang kanyang hilig sa live selling sa social media, na naging daan para maitayo niya ang sarili niyang mga brand. Sa kanyang personal na buhay, inanunsyo ni Kiray ang kanyang engagement sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia noong 2025 lamang.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilan ni Kiray Celis ang kayang kilig, saya, at tuwa. Sa Instagram, ibinahagi ni Kiray na tinext siya ni Jaya kamakailan. Ito ay matapos niyang manood ng concert ng kilalang OPM icon. Aniya Kiray, talagang "nahimatay" daw ata siya dahil sa text na ito ng OPM icon sa kanya.
Read also
Samantalang muling kinagiliwan online si Kiray Celis ng mga netizens. Noong Saturday, May 24, ibinahagi ni Kiray ang isang nakakaantig na video ng kanyang sorpresa para kay Mama Meriam. Sa video, makikitang personal na tinulungan ni Kiray ang team na kanyang hinire para sa bonggang sorpresa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh