Iwa Moto, proud sa pagiging live seller niya: "Nagtatrabaho kami nang marangal"

Iwa Moto, proud sa pagiging live seller niya: "Nagtatrabaho kami nang marangal"

  • Nag-post kamakailan si Iwa Moto ng nakaka-inspire na post sa pagiging live seller
  • Sa Instagram, flinex ni Iwa ang kanyang all-glammed up look para sa isang event
  • Kalakip nito ay isang mensahe tungkol sa pagiging proud live seller niya sa TikTok
  • Aniya Iwa, "forever thankful" daw siya sa Diyos dahil sa blessing na ito sa buhay niya

Sa isang nakaka-inspire at nakakaantig na post, ibinahagi ng dating aktres na si Iwa Moto ang kanyang damdamin at tagumpay sa bago niyang buhay bilang isang live seller sa TikTok.

Iwa Moto, proud sa pagiging live seller niya: "Nagtatrabaho kami nang marangal"
Iwa Moto, proud sa pagiging live seller niya: "Nagtatrabaho kami nang marangal" (@by.thestudio)
Source: Instagram

Nag-post si Iwa sa Instagram ng video collage ng mga larawan kung saan siya ay glammed up, kasama nito ang isang mahaba at madamdaming mensahe tungkol sa kaniyang paglalakbay.

Hindi naman itinago ni Iwa na hindi madali ang pagbabago. Aniya pa nga ni Iwa sa kaniyang caption online: "My TikTok journey was hard but amazing... I am forever thankful to God for the blessings... and to @tiktokshop_philippines, thank you for taking care of me and for recognizing my potential @shevillanueva_, you know how grateful I am you found me. More work for us!"

Read also

Chie Filomeno, naglabas ng pahayag ukol sa isyung kinasasangkutan niya at ng Lhuillier family

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin naiwasang patamaan ni Iwa ang mga taong nangba-bash sa mga online seller. Diretsahan niyang sinabi na kahit nag-iba na ang kaniyang landas, nananatili siyang proud dito.

"Yes, I used to be an actress, but now I chose a different path... to those bashing online sellers or minamaliit kami... NAGTATRABAHO KAMI NANG MARANGAL. Dun kayo sa Pluto," aniya Iwa.

Ang post ni Iwa ay nagbigay inspirasyon sa marami na wag matakot sumubok ng ibang landas, at higit sa lahat, ipagmalaki ang bawat marangal na pagtatrabaho, anumang larangan pa yan.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Iwa Moto ay isang Filipina actress at dating reality show contestant na unang nakilala sa StarStruck, ang artist search ng GMA Network. Matapos ang kanyang exposure sa StarStruck, nakilala si Iwa bilang kontrabida sa iba't ibang teleserye gaya ng Kung Mahawi Man ang Ulap at Darna. Bukod sa pag-arte, lumabas din siya sa iba't ibang magazine covers at naging bahagi ng iba pang TV programs. Sa paglipas ng panahon, unti-unting umalis si Iwa sa showbiz spotlight at mas nagtuon ng oras sa kanyang personal na buhay. Siya ay partner ni Pampi Lacson, anak ni dating senador Panfilo Lacson, at may dalawa silang anak na sina Eve o Mimi at si Caleb Jiro.

Read also

Jericho Rosales, may pasilip sa kanyang birthday celebration sa Africa

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay buong pusong nagpakita ng suporta kay Sen. Ping Lacson si Iwa Moto. Sa Instagram, nag-post si Iwa tungkol sa bagong title na hawak ni Sen. Ping. Aniya Iwa, nagsisilbing malaking inspirasyon daw ang senador sa kanila. Matatandaang si Ping Lacson ang ama ni Pampi Lacson na partner ni Iwa.

Samantalang noong January ay nag-post si Iwa Moto sa kanyang Instagram at nagbahagi ng isang quote. Tila sumasagot ito sa mga taong madalas magsabing maswerte ang babae. Ayon sa quote, ang babae ay nagsusumikap, nawalan ng mga mahal sa buhay, nagpuyat, at minsan ay umiiyak na lang hanggang makatulog.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco