Gladys Reyes, humingi ng paumanhin sa mga naka-eksenang guard sa 'Cruz vs Cruz'
- Nag-viral at umani ng samu't saring reaksyon ang post ng GMA Network
- Sapul kasi ang viral na confrontational scene ni Gladys Reyes sa serye
- Habang nagpupumiglas kasi ay nadale ng aktres ang ilang mga guard
- Dahil dito ay agad na napa-sorry si Gladys na ikinabilib naman ng ilan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-viral at umani ng samu't saring reaksyon sa social media ang isang behind-the-scenes video na inilabas ng GMA Network sa kanilang Instagram Reel nito lamang.
Tampok sa naturang video ang batikang veteran star na si Gladys Reyes habang isinasagawa ang isang heated confrontational scene para sa Kapuso show na Cruz vs. Cruz.
Sa eksena, damang-dama ang matinding emosyon ng kanyang karakter na si Hazel Capistrano. Kinailangan siyang pigilan at awatin ng ilang security guard dahil sa tindi ng kanyang pagwawala at pagpupumiglas. Habang nagpupumiglas ang aktres, aksidente at hindi sinasadyang nasampal niya ang ilan sa mga guwardiyang umaawat sa kanya.
Read also
Agad din namang humingi ng paumanhin si Gladys at makikita sa video ang mabilis at sinserong paghingi ng tawad ni Gladys sa mga biktima ng kanyang pagpupumiglas sa scene.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mismong ang GMA Network page ang nagbigay-diin sa nakatatawa ngunit nakakaantig na sandali sa kanilang caption: "'SORRY PO!' - Gladys Reyes. Pati sina kuya hindi nakaligtas sa malakas na SAMPAL ni Hazel sa #CruzVsCruz!" aniya ng adming ng naturang page.
Isang patunay lang ito na bukod sa pagiging propesyonal at dedikado ni Gladys sa pagganap sa kanyang karakter, nananatili rin siyang mapagkumbaba at magalang sa likod ng kamera.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Gladys Reyes ay isang batikang Filipina actress na kilala sa kanyang husay sa pagganap ng mga kontrabida sa telebisyon at pelikula. Una siyang sumikat sa teleseryeng Mara Clara noong dekada '90 bilang Clara, ang karakter na nagpatunay ng kanyang galing sa pag-arte. Dahil dito, tuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto at madalas siyang gumanap bilang matapang at palaban na karakter sa iba’t ibang drama series. Maliban sa pagiging aktres, isa rin siyang TV host at minsan ay lumalabas sa comedy at inspirational shows. Sa personal na buhay, si Gladys ay kasal sa fellow actor na si Christopher Roxas, at sila ay biniyayaan ng apat na anak. Aktibo rin siya sa pagiging hands-on mom habang patuloy na umaarangkada ang kanyang karera sa showbiz.
Read also
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpapasalamat si Gladys Reyes na nananatiling hindi natutukso ang kanyang asawang si Christopher Roxas, kahit may mga patuloy na sumusubok. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' sinabi niyang noon pa ay marami nang tukso noong sila'y magkasintahan pa lamang. Binanggit ni Gladys na si Christopher ay guwapo at kaakit-akit, ngunit giit niya, “sa akin lang yun."
Samantalang noong 2024, nagbahagi si Gladys Reyes ng mga video mula sa Streetboys concert sa New Frontier Theater sa Araneta City. Ang tanyag na 90's dance group ay muling nagsama para sa isang one-night-only na concert na pinamagatang SB90s The Streetboys Reunion Dance Concert. Sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, na parehong hosts ng Showtime, ay kabilang sa founding members ng grupo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh