Vice Ganda, emosyonal sa kuwento ng contestant na walang tirahan

Vice Ganda, emosyonal sa kuwento ng contestant na walang tirahan

  • Naging emosyonal si Vice Ganda sa segment ng It’s Showtime matapos makilala si nanay Rosie, 67-anyos, na natutulog sa kalsada sa Baclaran
  • Ayon kay Rosie, wala na siyang pambayad ng upa kaya’t napilitan siyang matulog sa bangketa habang nagtitinda ng inumin at sigarilyo upang mabuhay
  • Ikinumpara ni Vice ang sitwasyon ni Rosie sa mga pulitikong may napakaraming ari-arian at umalma sa talamak na korapsyon sa bansa
  • Nangako si Vice na siya na ang magbabayad ng tirahan ni Rosie at ng kanyang anak sa loob ng isang taon upang makalayo sila sa lansangan

Hindi napigilan ni Vice Ganda ang maging emosyonal sa live segment ng It’s Showtime nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025, matapos makilala ang 67-anyos na contestant na si nanay Rosie mula Baclaran, Parañaque City.

Vice Ganda, emosyonal sa kuwento ng contestant na walang tirahan
Vice Ganda, emosyonal sa kuwento ng contestant na walang tirahan (📷It's Showtime/YouTube)
Source: Youtube

Sa segment na Laro Laro Pick, nakilala nina Vice, Vhong Navarro, at Anne Curtis si Rosie, na nagkuwento ng kanyang buhay bilang street vendor. Nagtitinda siya ng softdrinks, mineral water, at sigarilyo sa Baclaran at Pasay, ngunit wala na siyang permanenteng tirahan matapos hindi makabayad ng upa. Kaya’t sa kalsada na siya natutulog kasama ang kanyang anak.

Read also

Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero

Ayon kay Vice, nakakadurog ng puso ang sitwasyon ni Rosie lalo pa’t kung ikukumpara sa mga politiko na nababalitang sobra-sobra ang yaman. “Tingnan mo, may isang mag-ina na nagtitinda sa kalsada araw-araw, umulan-umaraw tapos hindi na nakabayad ng upa kay sa kalsada na naninirahan. Tapos may mga congressman na bente (20) ang bahay? May mga pulitiko na trenta (30) ang sasakyan?,” ani Vice.

Hindi na rin napigilan ni Vice ang maglabas ng hinaing tungkol sa korapsyon. “Wag na talaga tayong pumayag. Grabe na ’yon. Ito [si nanay Rosie], nanakawan ito. Walang Pilipino ang dapat sa kalsada natutulog kung talagang ginagamit niyo lang nang marangal ’yong perang ibinayad namin sa buwis,” dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Bilyon-bilyon [at] trilyon ’yan, e. Hindi dapat natulog ’tong ale na ito sa kalsada kung hindi niyo kami ninakawan,” mariing sabi pa ng komedyante-host.

Para kay Vice, malaking tulong sana kung nagagamit ng tama ang buwis ng mga mamamayan. “Na-iimagine ko, ’yong tax natin, kahit tayong tatlo lang [Anne at Vhong]. Kung pinagsama-sama natin ’yong tax natin at hindi na nila siningil, tayo na lang ang gumamit, ang dami [siguro] nating napauwi sa mga bahay ng mga mamamayan,” panghihinayang niya.

Read also

Chie Filomeno, nag-promote ng produkto ng rumored new BF na si Matthew Lhuillier

Sa kabila ng hirap, nananatiling matibay si Rosie. “Tinitiis. Syempre, gano’n talaga ang buhay, e. Kung hindi ka naman maghahanap-buhay, hindi ka kakain, ’di ba? Kaya kailangan, magtiyaga… Doon sa Baclaran [nagdarasal ako], kapag 12:00 ng madaling araw… Humihingi ako ng tulong sa [Diyos] ’yong mabigyan kami ng magandang [buhay],” ani ni Rosie habang halos maiyak.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Vice. Nangako siya na maghahanap ng bahay para kay Rosie at sa kanyang anak na siya mismo ang magbabayad ng renta sa loob ng isang taon.

“Maghahanap po kami ng puwede n’yong tirahan sa Baclaran, kami ang magbabayad. Kahit isang taon lang, maghahanap ako ng matitirahan mo sa Baclaran tapos isang buong taon [ay] babayaran ko ’yon. Pasensya na hindi ko kaya ’yong habambuhay [ay] hindi ko maipapangako. Pero isang taon man lang na maibawas kong nasa ilalim ka ng buwan, at ng ulan, at ng araw tuwing hapon. Kahit katiting man lang, makatulong kami sa maging maayos ang tulog at hihigaan mo,” emosyonal na pahayag ni Vice.

Read also

Cong TV, sinagot ang bashers: “Pare-pareho lang tayong ninanakawan”

Lubos ang pasasalamat ni Rosie na halos maiyak matapos ang ipinangakong tulong ng komedyante.

Si Vice Ganda, kilala bilang “Unkabogable Star,” ay isa sa pinakamalaking personalidad sa industriya ng entertainment. Bukod sa pagiging comedian-host ng It’s Showtime, isa rin siyang box-office star at matagumpay na entrepreneur. Kilala siya sa pagiging outspoken pagdating sa mga isyung panlipunan, na lalo pang pinapahalagahan ng kanyang mga tagasuporta.

Sa isang rally, nagbigay ng matapang na pahayag si Vice Ganda laban sa mga isyung panlipunan at pulitikal. Ayon kay Neil Arce, kahanga-hanga ang tapang ni Vice sa paggamit ng kanyang boses para ipahayag ang sentimyento ng mga Pilipino. Pinuri ng netizens ang pagiging prangka at matapat ng komedyante.

Muli na namang naging vocal si Vice Ganda tungkol sa anomalya sa pondo ng gobyerno, partikular sa P35 bilyong pondo na iniuugnay sa Bulacan project. Hindi niya napigilang maglabas ng mura dahil sa sobrang frustration, bagay na agad na naging usap-usapan online. Marami ang pumuri sa kanyang katapangan at malasakit para sa mga ordinaryong Pilipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate