Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero
- Sinagot ni Heart Evangelista ang mga isyung ipinupukol sa kanya matapos madawit ang asawa niyang si Senador Chiz Escudero sa flood control controversy
- Iginiit ng aktres na matagal na siyang nagtatrabaho at may sariling yaman, at hindi conjugal ang kanilang finances dahil sa prenup agreement nila ni Chiz
- Inilahad ni Heart na bilang isang influencer ay kasama sa trabaho niya ang pagtatampok ng luxury brands, na kadalasan ay bahagi ng collaborations o freebies
- Binanggit din ni Heart na posible siyang maghain ng legal action laban sa mga akusasyong nakakaapekto sa kanyang reputasyon at personal na buhay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-live si Heart Evangelista sa Instagram nitong Martes, Setyembre 23, 2025, para sagutin ang samu’t saring batikos na ipinupukol sa kanya kaugnay ng pagkakadawit ng asawang si Senador Chiz Escudero sa isyu ng flood control projects.

Source: Instagram
Hindi man niya diretsong binanggit ang pangalan ng senador, malinaw sa kanyang mga pahayag na ang mga komento ng netizens laban sa kanya ay nakaugat sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Chiz. Matatandaang ang kaibigan at campaign donor ng senador na si Lawrence Lubiano, may-ari ng Centerways Construction and Development, ay kabilang sa 15 kumpanya na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sangkot sa anomalya.
Sa naturang IG Live, mariing ipinunto ni Heart na matagal na niyang pinaghirapan ang kanyang estado sa buhay. “The sad reality at this point, it’s very hurtful that as an independent woman like myself… goddammit, I am so independent… I am so hardworking and I have pride in what I do,” ani ng aktres.
Ayon pa kay Heart, tila nababalewala ang kanyang pinaghirapan dahil lang sa kanyang pagiging “political wife.” “Your hard work is diminished, your hard work is all of a sudden nothing, just because you are now a mere political wife…” dagdag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa sa mga puntong binigyang-linaw ni Heart ay ang kanilang prenup agreement ni Chiz Escudero. Lahad niya, ang yumaong Senadora Miriam Defensor-Santiago, na itinuturing niyang parang pangalawang ina, ang nagpilit na magkaroon sila ng prenuptial agreement bago ikasal.
Dagdag ni Heart, kaya niyang tustusan ang sarili niyang mga pangangailangan at luho, at hindi totoo na ang senador ang gumagastos para sa kanyang mga biyahe o branded items.
Kilala si Heart sa kanyang social media posts kung saan makikita ang iba’t ibang mamahaling gamit mula sa international luxury brands. Ayon sa kanya, bahagi ito ng kanyang trabaho bilang influencer. May mga items na libre lang, may mga bayad bilang bahagi ng collaboration, at may mga regalong kapalit ng promosyon.
Bagama’t madalas kuwestiyunin ng netizens ang kanyang lifestyle, nilinaw ng aktres na ito ay bunga ng halos tatlong dekadang pagtatrabaho. “Pinagtrabahuhan ko yung meron ako, e,” mariing pahayag niya.
Hindi rin itinago ni Heart na apektado siya sa mga negatibong komento, lalo na ang pagtuligsa sa kanyang pagiging “childless.” Aniya, epekto ito ng kanyang pagiging workaholic. Dagdag niya, hindi rin tama na kuwestiyunin ang kanyang integridad dahil 27 taon na siyang nasa industriya.
“It is my prerogative not to post what I do for other people, because my points in heaven are far more important than my points here,” giit ni Heart, at sinabing nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado para sa posibleng legal action.
Si Heart Evangelista, 40, ay isang kilalang aktres, fashion icon, at social media influencer na may malawak na following. Kilala siya sa kanyang collaborations with luxury brands at sa kanyang presensya sa mga international fashion weeks. Bukod dito, aktibo rin siya sa painting at advocacy work, bagama’t madalas ay hindi niya ito ipinapakita sa publiko.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang ginhawa matapos muling kumain ang kanyang alagang panda na si Panda Lord. Nag-alala umano siya matapos ilang araw na hindi kumakain ang kanyang alaga. Ibinahagi niya ang karanasang ito bilang patunay ng kanyang pagiging hands-on sa kanyang mga pets.
Sinagot ni Heart Evangelista ang mga puna sa kanyang hindi pagdalo sa isang political rally. Pinaliwanag niyang may iba siyang commitments at hindi ibig sabihin nito ay wala siyang pakialam sa mga isyung panlipunan. Dagdag pa niya, hindi dapat basehan ng mga tao ang kanyang public appearances para husgahan ang kanyang malasakit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh