Alexa Miro, diretsahang pinangalanan ang aktres na nadawit sa kanyang relasyon
- Alexa Miro ginulat ang social media matapos niyang pangalanan ang aktres na umano’y dahilan ng kanyang breakup sa longtime boyfriend
- Sa TikTok Live, ikinuwento ni Alexa na hindi siya pinayagang aminin ng ex-boyfriend sa publiko at kalaunan ay nadawit ang pangalan ni Franki Russell
- Ayon kay Alexa, nagkaroon pa sila ng tensyon sa isang club kung saan pinagtanggol siya ng kaibigan niyang si Barbie Imperial
- Pagkatapos ng kanyang live, muling naungkat ang mga dating isyu na nag-uugnay sa kanya kay Sandro Marcos at mga nakaraang sightings nila sa publiko
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Usp-usapan sa social media ang paglabas ng rebelasyon ni Alexa Miro sa kanyang TikTok Live nitong Lunes ng gabi. Sa kanyang kwento, diretsahan niyang pinangalanan ang aktres na si Franki Russell bilang third party sa naging breakup niya at ng kanyang longtime boyfriend na hindi pa rin niya binanggit sa publiko ang pangalan.

Source: Facebook
“Ex-boyfriend na ayaw ako paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin ‘yung palaisipan. Sino nagmukhang kilig na kilig sa media, edi ako,” saad ni Alexa, na tila may pasaring sa naging dynamics ng kanilang relasyon.
Ayon pa kay Alexa, malaking palaisipan sa kanya kung bakit ayaw siyang ipaalam ng dating nobyo sa media, kahit limang taon din nilang itinago ang kanilang relasyon. Kalaunan, ipinahiwatig niyang si Franki Russell umano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. “Clue ng girl, Franki Russell. Binastos niya pa ako sa club. Pinaiyak niya ako kasi kinausap ko siya,” ani Alexa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ikinuwento rin ng aktres ang naging sagupaan nila sa isang club. “Sabi ko, ‘Girl at the end of the day it’s not just the girl’s fault, and all I wanna know is if he said I love you.’” Ngunit ayon kay Alexa, tinanggihan ng aktres ang kanyang pakikipag-usap. “I tried to touch her hand, but she pushed it aside. Then she said, ‘He already chose you, right? So get out of my face.’”
Mabuti na lang at kasama niya noon ang kanyang matalik na kaibigang si Barbie Imperial na agad siyang pinakalma. “So umiyak ako doon, pero pinagtanggol ako ni Barbie Imperial, sabi niya, ‘Hindi ka iiyak dito sa club, punasan mo ‘yang luha mo.’”
Nagpatuloy pa ang kontrobersya nang matapos ang live session ay sinagot ni Alexa ang isang netizen na nagtanong tungkol kay Russell at sa isang “Sandro.” Kilala si Alexa sa matagal nang pagkakaugnay kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, anak ng Pangulo at Unang Ginang. Bagama’t paulit-ulit nang itinanggi ang isyung ito, madalas silang nakikitang magkasama sa publiko at maging sa ilang opisyal na aktibidad.
Matatandaan na noong Marso, parehong nakita sina Alexa at Barbie kasama si First Lady Liza Marcos sa Manila International Film Festival (MIFF) 2025 na ginanap sa Los Angeles, California.
Samantala, si Franki Russell ay kamakailan ding na-link sa aktor na si Enrique Gil matapos silang mamataan sa Bohol kasama ang ilang kaibigan. Nauna na ring nakarelasyon ni Franki ang aktor na si Diego Loyzaga, na ex-boyfriend ni Barbie Imperial.
Si Alexa Miro ay isang aktres at dating host ng “Tahanang Pinakamasaya.” Bukod sa kanyang showbiz career, mas nakilala siya dahil sa mga espekulasyong nag-uugnay sa kanya sa public figure na si Sandro Marcos. Sa kabila ng mga kontrobersya, nananatili siyang aktibo sa kanyang karera at patuloy na umaani ng atensyon mula sa publiko.
Samantala, si Franki Russell ay dating “Pinoy Big Brother” housemate at beauty queen na ngayon ay nakikilala na rin sa showbiz at sa mga bagong relasyon na inuugnay sa kanya.
Sa ulat ng KAMI, inamin ni Alexa na nasaktan siya sa matinding pambabatikos matapos siyang maiugnay kay Sandro Marcos. Ayon sa aktres, dumating sa puntong hindi niya nakayanan ang mga negatibong komento online.
Sa isa pang ulat ng KAMI, sinabi ni Alexa na malaking bagay ang payo ni Sandro Marcos upang kayanin niya ang patuloy na pangba-bash. Aniya, nakatulong ito upang maging mas matatag siya sa harap ng publiko at sa kanyang showbiz career.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh