Maymay Entrata, may mensahe sa taumbayan: "Pilipinas, may pag-asa pa po"

Maymay Entrata, may mensahe sa taumbayan: "Pilipinas, may pag-asa pa po"

  • Si Maymay Entrata ay umani ng papuri sa social media dahil sa kanyang post
  • Nitong Monday, September 22 ay nagsulat siya ng matapang na mensahe online
  • Ito ay tungkol sa Pilipinas at ang mga kasalukuyang isyu ng korapsyon sa bansa
  • Aniya Maymay, may pag-asa pa raw ang Pilipinas at hindi dapat sumuko ang tao

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Maymay Entrata ay umani ng papuri sa social media matapos magbahagi ng matapang na mensahe para sa mga Pilipino. Noong Monday, September 22, nag-post si Maymay sa Instagram ng isang bukas na liham na nagbigay ng lakas ng loob at inspirasyon sa maraming netizens.

Maymay Entrata, may mensahe sa taumbayan: "Pilipinas, may pag-asa pa po"
Maymay Entrata, may mensahe sa taumbayan: "Pilipinas, may pag-asa pa po" (@maymay)
Source: Instagram

Diretsahan niyang sinabi sa simula pa lang ng kanyang mensahe ang paniniwala niya na nararapat lamang ang mas maayos na pamahalaan para sa sariling bansa. "Gusto ko lang sabihin ng diretso: deserve po natin ang mas maayos na bansa. Yung buwis na binabayaran natin, dapat napupunta sa mga bagay na makakatulong sa tao. Tulad ng maayos na kalsada, edukasyon, health care, at hindi lang sa bulsa ng mga maling tao," aniya ng aktres sa kanyang post.

Read also

Ninong Ry, emosyonal sa paulit-ulit na baha: “Hindi deserve ng Pilipino ‘to”

Binalikan din ng aktres ang ilan sa kanyang mga alaala noong kabataan, kung saan inakala niyang normal lamang ang mga hindi maayos na kondisyon ng pamumuhay. "May araw na naglalakad kami sa baha ng kaibigan ko, tumatawa lang kami kasi sanay na. Akala namin normal lang yun. Pero ngayong mas may alam na ako, na-realize ko na hindi dapat ganun. Hindi dapat normal ang baha, ang sirang kalsada, at ang hindi maayos na sistema," pagbabahagi niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Maymay, bagama't totoo na matatag at matibay ang mga Pilipino, hindi ito nangangahulugan na dapat na lamang tanggapin ang maling sistema. "Totoo, matibay po tayo at kaya nating tumawa sa gitna ng hirap, pero hindi ibig sabihin na okay lang kasi hindi dapat tayo masanay sa mali," dagdag pa niya, bagay na talagang umantig sa puso ng kanyang mga fans.

Hinikayat din niya ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na manindigan para sa isang gobyerno na tunay na naglilingkod. "Deserve po natin ang gobyerno na tunay na naglilingkod. Yung tapat, at inuuna ang kapakanan ng bayan," ani ng aktres sa nasabing post.

Read also

Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, iniwan ni Maymay ang kanyang panawagan ng pag-asa at pananampalataya: "Pilipinas, may pag-asa pa po. Huwag tayong titigil maniwala at magdasal."

Matapos i-upload ang nasabing viral na post, umani ito ng libo-libong reaksyon at komento mula sa netizens na sumang-ayon at nagpahayag ng paghanga sa kanyang tapang at malasakit.

Sa gitna ng mga isyu at pagsubok na kinahaharap ng bansa, ipinakita ni Maymay Entrata na ang boses ng mga artista ay maaari ring magsilbing inspirasyon at gabay para sa mamamayan.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Maymay Entrata, na ipinanganak bilang Marydale Entrata, ay isang multi-talented na Filipina entertainer na kilala bilang aktres, mang-aawit, at modelo. Nakilala siya matapos niyang manalo sa reality TV show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2017. Matapos ang kanyang tagumpay, pumasok siya sa larangan ng pag-arte. Bukod sa kanyang career sa showbiz, gumawa rin ng kasaysayan si Maymay bilang kauna-unahang Filipina na naglakad sa Arab Fashion Week.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpaiyak ng netizens online si Maymay Entrata. Nag-post si Maymay ng isang lumang larawan niya kasama ang kanyang yumaong ina sa Instagram. Kasama ng reel ang isang kwento sa likod ng larawan na labis na nakaantig sa damdamin ng mga netizens. Sa dulo ng post, inamin ni Maymay kung gaano niya ka-miss ang kanyang ina.

Samantalang lumabas si Maymay Entrata sa It's Showtime bilang isang "Tago Kanta" sa segment na Hide and Sing. Nag-viral kasi ang kanyang performance at nakakuha ng atensyon mula sa mga netizens. Gayunpaman, may netizen na talaga namang nag-akusa sa kanya ng paggamit ng autotune at sinabing iyon ang nagbigay ng clue sa kanyang pagkakakilanlan. Sa huli, mapagkumbabang tumugon ang aktres sa kanyang page at itinanggi ang nasabing paratang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco