Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas

Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas

  • Si Daniel Padilla ay nagpahayag ng paninindigan laban sa katiwalian sa gitna ng concert tour niya sa Tate kasama si Ian Veneracion
  • Sa entablado, sinigaw niya na hindi dapat pumayag ang mga Pilipino na “gaguhin” sila ng gobyerno
  • Kasabay ng kanyang pahayag, libo-libo ang lumahok sa Trillion Peso March sa Pilipinas para maningil ng pananagutan
  • Nakisama rin sa mga kilos-protesta ang ilang artista gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Aquino at Dingdong Dantes

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi man pisikal na nakadalo sa Trillion Peso March sa Pilipinas, ipinakita ni Daniel Padilla na mulat at kasangga siya sa panawagan ng taumbayan. Sa kanyang concert tour sa United States kasama si Ian Veneracion, ginamit ng aktor ang entablado para kondenahin ang katiwalian sa gobyerno.

Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas
Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas (📷@supremo_dp/Instagram)
Source: Instagram

Sa harap ng kanyang mga tagahanga, mariin niyang sigaw:

“Tandaan ninyo, huwag kayong papayag na gaguhin tayo ng gobyerno. Mabuhay ang Pilipinas.”

Umani ng hiyawan at palakpakan ang kanyang pahayag, na nagsilbing patunay na kahit nasa ibang bansa, ramdam niya ang galit at pagkadismaya ng mga Pilipino laban sa mga anomalya.

Read also

Stand-up comedians, nag-iyakan sa tribute concert para kay Ate Gay

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, sa Quezon City, dagsa ang libo-libong raliyista sa People Power Monument noong Setyembre 21, 2025. Ang kilos-protestang tinawag na “Trillion Peso March” ay sinadya ring itapat sa ika-53 anibersaryo ng Martial Law, upang ipaalala na ang pang-aabuso ng kapangyarihan noon ay may malinaw na koneksyon sa kasalukuyan.

Dumalo sa protesta ang iba’t ibang sektor—mga estudyante, pamilya, simbahan, at progresibong grupo. Sa entablado, nagsalitan ang mga artista at performers tulad nina Ben&Ben, Noel Cabangon, Jamie Rivera at iba pa, na nagbigay ng lakas sa panawagan.

Kabilang sa mga celebrity na personal na nakisama sa protesta sina Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Aquino, Jodi Sta. Maria, Maris Racal, Dingdong Dantes, at Kim Atienza. Ayon sa mga demonstrador, malinaw na pinapatunayan ng presensya ng mga sikat na personalidad na ang korapsyon ay hindi lamang usapin ng politika, kundi usapin ng lahat.

Samantala, nagpatuloy din ang kilos-protesta sa iba pang lungsod sa labas ng Metro Manila, kasabay ng mga panawagan ng accountability para sa mga anomalya sa flood-control projects at paggamit ng confidential funds. Sa dami ng nawawalang pondo, tinatayang umabot na sa P118.5 bilyon ang epekto sa ekonomiya mula 2023 hanggang 2025, ayon sa Department of Finance.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Para sa mga tagasuporta ni Daniel, malaking bagay na ginamit niya ang kanyang visibility at impluwensya para magsalita. Pinatunayan ng aktor na hindi hadlang ang distansya para maging bahagi ng panawagan ng bayan.

Si Daniel Padilla, kilala bilang isa sa pinakasikat na aktor at recording artist ng kanyang henerasyon, ay matagal nang may malaking fanbase sa loob at labas ng bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula at musika, madalas din siyang tingnan bilang “Teen King” ng Philippine showbiz. Sa pagkakataong ito, ipinakita niya na kaya niyang lampasan ang imaheng artista lamang, at kayang magsilbing boses ng kabataan at ng masang Pilipino. Ang kanyang pahayag sa Tate ay malinaw na indikasyon na ginagamit niya ang kanyang plataporma para sa higit pa sa entertainment.

Kamakailan, naging usap-usapan ang umano’y bagong relasyon ni Daniel Padilla matapos kumalat ang impormasyon mula sa source ni Ogie Diaz. Sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ng source na tila may bago nang espesyal na tao sa buhay ng aktor matapos ang breakup nila ni Kathryn Bernardo. Gayunpaman, hindi pa kumpirmado ang mga detalye at nananatili itong haka-haka.

Read also

Vice Ganda, di napigilang mapamura sa rally: "Hindi ko kayang maging magalang sa kanila"

Samantala, nagbigay din ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay ng nasabing balita. Ayon sa Kami.com.ph, sinabi niyang hindi dapat sisihin ang sinuman kung sakali mang totoo ang bagong relasyon nina Daniel at Kaila Estrada. Aniya, “unang-una, hindi naman tayo nakasira,” at dagdag pa niya, karapatan ng bawat isa ang maging masaya pagkatapos ng isang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate