Christophe Bariou, itinanggi ang pagkakasangkot nila ni Nadine Lustre sa reef destruction sa Siargao
- Christophe Bariou nilinaw na wala silang kinalaman ni Nadine Lustre sa reef destruction issue sa Tuason, Siargao
- Ayon kay Bariou, unfairly targeted ang kanilang restaurant Ver De Siargao dahil sa business partner na sangkot umano sa proyekto
- Nadine Lustre ay nananatiling tahimik hinggil sa usapin habang si Andi Eigenmann ay nagpahayag ng pagkadismaya sa nangyari
- Binatikos ng mga environmental advocates ang umano’y paggamit ng backhoe sa reef area para sa luxury villa project
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nilinaw ng Filipino-French businessman na si Christophe Bariou na wala silang kinalaman ng aktres na si Nadine Lustre sa kontrobersyal na luxury villa project sa Siargao na sinasabing nagdulot ng pagkasira ng mga coral reef sa bahagi ng Tuason.

Source: Instagram
Ayon sa ulat ng Siargao Environmental Awareness (SEA) Movement Inc., ikinagalit ng komunidad ang diumano’y paggamit ng backhoe upang patagin ang bahagi ng reef para bigyang-daan ang naturang proyekto.
Sa isang post sa kanyang Instagram Stories nitong Biyernes, Setyembre 19, nilinaw ni Bariou na hindi sila konektado ni Lustre sa nasabing villa. Aniya, “I want to make it absolutely clear that Nadine and I have no part in the destruction of the reef in Tuason, nor are we in any way involved in the project there. Like everyone else, we are saddened, disappointed, and frustrated by what happened.”
Dagdag pa niya, hindi patas na nadadamay ang kanilang restaurant na Ver De Siargao dahil lamang sa pagkakaugnay ng isa nilang business partner sa kontrobersyal na proyekto. “Ver De Siargao Restaurant has nothing to do with this,” diin pa ni Bariou. “We do not support or condone such actions.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinaliwanag din niya na hiwalay at walang koneksyon ang proyekto ng nasabing business partner sa kanilang restaurant. “We are not accountable for his actions, and we will not tolerate misplaced attacks on us or on Ver De, which provides livelihoods for many and contributes to the community,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, nanawagan si Bariou na tigilan ang hate speech laban sa kanila at umasa siyang haharapin ang isyu alinsunod sa batas. Ibinahagi rin niya ang call to action ng SEA Movement at binigyang-diin na ito ay pagkakataon upang palakasin ang adbokasiya laban sa mga iligal at mapanirang proyekto sa Siargao. “This could become an opportunity to raise awareness about the many illegal and environmentally destructive projects that have plagued Siargao over the years—from private owners to those in positions of power,” ani niya.
Habang nananatiling tahimik si Nadine Lustre hinggil sa isyu, naghayag naman ng saloobin ang aktres na si Andi Eigenmann, na matagal nang naninirahan sa isla. Sa kanyang komento, sinabi niyang, “Gone are the days when people came to Siargao simply to enjoy the island for what it truly is! Now we see others coming in for the [aesthetic]… Some even go as far as backhoe-ing beachfronts for their luxury villas, touching what has not been touched for a reason.” Para kay Eigenmann, kapag nasira ang kalikasan, hindi na ito maibabalik sa dati.
Si Christophe Bariou ay isang Filipino-French entrepreneur na kilala rin bilang partner ni Nadine Lustre. Bukod sa kanilang relasyon, kilala rin siya bilang isa sa mga may-ari ng Ver De Siargao, isang eco-conscious restaurant na nakatuon sa sustainable living. Si Nadine, bukod sa kanyang matagumpay na karera sa showbiz, ay kilala rin sa pagiging advocate ng environmental protection at mental health awareness. Ang kanilang presensya sa Siargao ay madalas nakikita bilang pagsuporta sa lokal na komunidad at kalikasan.
Kamakailan lang, naging usap-usapan si Nadine Lustre matapos magbigay ng reaksyon sa kontrobersyal na flood control projects sa bansa. Ayon sa kanyang pahayag, nakakagalit umano ang mga ganitong proyekto na kadalasang nagiging sanhi ng pagkasira ng kalikasan at ng komunidad.
Bukod dito, kamakailan lamang ay nag-trending din ang aktres matapos niyang sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang naging pahayag tungkol sa flood control projects. Hindi nagpahuli si Nadine at ipinahayag ang kanyang paninindigan na dapat bigyang-pansin ang mga epekto ng ganitong proyekto sa kalikasan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh