Rufa Mae Quinto, in-address ang 'death benefits' ng mister: "Wala po akong nakuha"

Rufa Mae Quinto, in-address ang 'death benefits' ng mister: "Wala po akong nakuha"

  • Diretsahang sinagot ni Rufa Mae Quinto ang ilang mga akusasyon sa kanya
  • Sa isang 21-minute vlog, in-address ni Rufa Mae ang pagpanaw ng mister niya
  • Aniya Rufa, may mga ilan daw na nag-iisip na kumupit o kumubra siya ng pera
  • Say ng aktres, "Marami pong nag-isip na masaya ako dahil kinubra ko yung pera niya"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Rufa Mae Quinto, isang kilalang Filipina actress, ay diretsahang sinagot ang mga akusasyon na agad umano niyang kinuha ang pera ng kanyang asawa, si Trevor Magallanes, matapos itong pumanaw ngayong taon.

Rufa Mae Quinto, in-address ang 'death benefits' ng mister: "Wala po akong nakuha"
Photos: Rufa Mae Quinto on YouTube | @rufamaequinto on Instagram
Source: Instagram

Sa isang 21-minute na video na inilabas niya sa kanyang opisyal na YouTube channel, inisa-isa ni Rufa ang ilang mahahalagang usapin tungkol sa mister niya, sa kanilang pagsasama, at pati na rin ang biglaang pagpanaw ni Trevor. Dito niya nilinaw ang mga paratang na ipinupukol sa kanya ng ilan sa social media.

"Marami pong nag-isip na masaya ako dahil kinubra ko yung pera niya, o winithdraw ko na agad yung pera. Ito po yung katotohanan diyan. Kami po ni Trevor nag-asawa po kami para bumuo ng pamilya. Late na ako nag-asawa kasi sinigurado ko na yung mapapangasawa ko ay habang buhay," aniya Rufa.

Read also

Rufa Mae Quinto, binigyang-linaw ang sanhi ng pagpanaw ng mister niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa nga ng aktres, hindi raw sila nagkaproblema ni Trevor ni minsan tungkol sa pera. "Yung mga nag-iisip na kumupit ako, or nagkubra ng pera, or nag-withdraw sa bank account, eh una, mag-asawa po kami, hindi po kami nagkaproblema sa pera kahit kailan dahil simple lang po ang buhay namin," aniya.

Ibinunyag pa nga ni Rufa na si Trevor mismo ang nagsiguro na siya at si Athena ay maayos ang magiging kinabukasan. "Hanggang sa huli, ako po at ang anak ko ang inayos niya ang benefits namin," ani Rufa. Gayunpaman, iginiit din niya na wala pa silang natatanggap kahit isang sentimo mula rito. "Wala po akong nakuha kahit magkano. Wala pa. Marami po kasing prosesyo yan," paliwanag pa niya.

Sa kabila ng lahat, nanindigan si Rufa na wala silang naging alitan tungkol sa pera at nanatili silang simple't masaya noon.

Panoorin ang video sa ibaba:

Read also

VP Sara Duterte, inaming siya mismo ang umiwas sa pagkikita kay Leni Robredo

Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang Filipina aktres at komedyante. Kilala siya sa kanyang campy na humor at natatanging istilo sa pagpapatawa, na naging dahilan upang maging mahalagang personalidad siya sa kulturang pop ng Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong 1996 sa variety show na That's Entertainment. Sa takbo ng kanyang karera, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na pelikula. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Trevor Magallanes noong 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae na si Athena noong 2017.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Rufa Mae Quinto dahil sa kanyang bagong online post. Sa Instagram, nag-reflect kasi ang actress-comedian tungkol sa kanyang buhay. Aniya Rufa, sa dinami dami ng kanyang pinagdaanan, siya ay depressed pa rin. Gayunpaman, nagawa pa ring magbiro ni Rufa sa kanyang viral Instagram post sa gitna ng lahat.

Read also

Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu

Samantalang noong August ay nagbahagi ng isang emosyonal na update sa Instagram si Rufa Mae Quinto. Ito ay tungkol sa "celebration of life" na isinagawa para sa yumaong mister niya. Sa naturang post, maraming tao ang binanggit at pinasalamatan ni Rufa Mae. Dahil dito, marami ang natuwa na malakas ang support system ng kanilang idol sa gitna ng pagluluksa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco