Rufa Mae Quinto, binigyang-linaw ang sanhi ng pagpanaw ng mister niya
- Nag-release na ng kanyang official statement at video si Rufa Mae Quinto
- Tungkol ito sa pagpanaw ng kanyang mister na si Trevor Magallanes sa US
- Aniya Rufa, ito raw ay para sa ikatatahimik na ng lahat, lalo na para kay Athena
- Si Athena ay ang anak nina Rufa Mae at Trevor, na madalas nilang ipinagmamalaki
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Binasag na ni Rufa Mae Quinto ang kanyang katahimikan tungkol sa mga kumakalat na usap-usapan hinggil sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes ngayong taon.

Source: Instagram
Sa isang 21-minute na video na inilabas sa YouTube channel niya, diretsahang hinarap ng aktres ang isyu at ipinaliwanag ang totoong nangyari. "Alam niyo naman pong lahat na a month ago, binawian po ng buhay or nag-pass away po ang aking asawa na si Trevor," panimula ni Rufa Mae.
Ayon sa kanya, minabuti niyang linawin ang lahat hindi lamang para sa mga nagtataka, kundi para sa katahimikan ng kanilang anak. "Gusto ko lang sana i-clarify lahat ng mga gusto kong i-clarify para manahimik na rin ang soul ng asawa ko, soul ko, pati nung anak namin," aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa nasabing video, inilahad ni Rufa Mae na biglaan ang nangyaring pagkamatay ni Trevor at nilinaw niyang walang foul play o suic*de na nangyari. "Sudden death po ang nangyari, wala pong suic*de, or foul play na nangyari po sa asawa ko. Bata pa siya, pero ganun talaga siguro? Hindi ko rin masasagot ang tanong kasi tanong ko rin yung 'bakit,'" pagbabahagi ng aktres.
Sa pagpapatuloy, ibinahagi rin niya ang naisip niya noon. "Ako rin, nag-isip, kung ano man ang iniisip natin na baka ganun nga ang ginawa. Nung nagpunta ako sa America, dahil ako po yung asawa, ako lang po ang may karapatan na kumuha ng body niya. Ginawa ko po yun," ani Rufa.
Sa kabila ng matinding lungkot at pangungulila, ipinakita ni Rufa Mae ang kanyang katatagan bilang ina at bilang asawa. Pinili niyang gamitin ang kanyang boses upang tuldukan ang mga haka-haka at upang masiguro na ang naiwan nilang alaala kay Trevor ay puno ng respeto at pagmamahal, bagay na labis na pinuri ng ilan sa mga tagasubaybay at supporters ng aktres.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang Filipina aktres at komedyante. Kilala siya sa kanyang campy na humor at natatanging istilo sa pagpapatawa, na naging dahilan upang maging mahalagang personalidad siya sa kulturang pop ng Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong 1996 sa variety show na That's Entertainment. Sa takbo ng kanyang karera, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na pelikula. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Trevor Magallanes noong 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae na si Athena noong 2017.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Rufa Mae Quinto dahil sa kanyang bagong online post. Sa Instagram, nag-reflect kasi ang actress-comedian tungkol sa kanyang buhay. Aniya Rufa, sa dinami dami ng kanyang pinagdaanan, siya ay depressed pa rin. Gayunpaman, nagawa pa ring magbiro ni Rufa sa kanyang viral Instagram post sa gitna ng lahat.
Samantalang noong August ay nagbahagi ng isang emosyonal na update sa Instagram si Rufa Mae Quinto. Ito ay tungkol sa "celebration of life" na isinagawa para sa yumaong mister niya. Sa naturang post, maraming tao ang binanggit at pinasalamatan ni Rufa Mae. Dahil dito, marami ang natuwa na malakas ang support system ng kanilang idol sa gitna ng pagluluksa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh