Claudine Barretto, nag-react sa breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Claudine Barretto, nag-react sa breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson

  • Kinumpirma ng Star Magic nitong Huwebes, Setyembre 18, na nagdesisyon na sina Gerald Anderson at Julia Barretto na maghiwalay, ayon sa opisyal na pahayag na inilabas sa social media page ng ABS-CBN talent arm
  • Kasunod ng anunsyo, agad na nag-react si Claudine Barretto at nagpakita ng suporta sa kanyang pamangkin na si Julia sa pamamagitan ng isang Facebook post na nagsabing, “Mama is here Juls,” kalakip ang broken heart emoji
  • Hindi tinukoy sa opisyal na pahayag ng Star Magic ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, ngunit bago pa ang kumpirmasyon ay kumalat na ang mga ulat na patuloy umanong sinusuyo ni Gerald si Julia kahit tila ayaw na ng aktres
  • Umani ng atensyon mula sa netizens ang simpleng ngunit emosyonal na mensahe ni Claudine, na nagpatunay ng pagiging malapit at suportado niya ang pamangkin lalo na sa panahong may pinagdaraanan ito sa personal na buhay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng reaksyon si Claudine Barretto matapos ang kumpirmasyon ng Star Magic na hiwalay na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Ang breakup announcement ay inilabas nitong Huwebes, Setyembre 18, sa opisyal na social media page ng talent arm ng ABS-CBN.

Read also

Star Magic, kinumpirma ang hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto

Claudine Barretto, nag-react sa breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson
Claudine Barretto, nag-react sa breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson (📷@claubarretto/Instagram)
Source: Instagram

“Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship. We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives. Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support,” ayon sa pahayag ng Star Magic.

Kasunod nito, ipinakita ni Claudine ang kanyang malasakit sa pamangkin na si Julia. Sa kanyang Facebook post, nagbahagi siya ng screenshot ng statement ng Viva, ang talent agency na may hawak kay Julia at nilagyan ng caption na, “Mama is here Juls. [broken heart emoji].” Umani ito ng reaksiyon mula sa mga netizens na natuwa sa pagpapakita ng suporta ng aktres.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi binanggit sa opisyal na pahayag ang dahilan ng breakup ng dalawa, ngunit ilang linggo nang lumalabas ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon. Nauna nang sinabi ni showbiz host Ogie Diaz sa kanyang vlog na si Gerald ay patuloy umanong sinusuyo si Julia kahit tila hindi na interesado ang aktres.

Read also

Video ng pagdating ni Gretchen Barretto sa DOJ para maghain ng counter affidavit, viral

Si Claudine Barretto ay isa sa mga pinakakilalang aktres sa bansa at kabilang sa prominenteng Barretto clan. Kilala siya sa kanyang mga iconic teleserye at pelikula noong dekada ’90 at early 2000s. Kilala rin siya bilang protective at malapit sa kanyang pamilya, kabilang ang pamangkin niyang si Julia, na ngayon ay dumaraan sa panibagong yugto ng kanyang personal na buhay matapos ang breakup.

Sa isang report ng KAMI, lumabas ang impormasyon mula sa source ni Ogie Diaz na patuloy umanong sinusuyo ni Gerald si Julia kahit tila ayaw na ng aktres. Sinabi pa sa ulat na nagpunta raw si Gerald sa bahay ni Julia ngunit tila hindi na siya nais makita nito. Ang spekulasyong ito ay lalong nagbigay kulay bago pa man kumpirmahin ang kanilang hiwalayan.

Samantala, kinumpirma na mismo ng Star Magic ang breakup sa hiwalay na ulat ng KAMI. Iginiit ng talent management na mutual decision ang paghihiwalay at pinakiusapan ang publiko na huwag magpakalat ng maling naratibo. Nagpasalamat din sina Gerald at Julia sa kanilang mga fans at kaibigan sa patuloy na suporta.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate