Star Magic, kinumpirma ang hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto
- Star Magic kinumpirma na naghiwalay na sina Gerald Anderson at Julia Barretto
- Pinakiusapan ng talent agency ang publiko na irespeto ang kanilang desisyon at huwag magpakalat ng maling istorya
- Nauna nang sinabi ni Ogie Diaz na si Gerald ay patuloy na sinusuyo si Julia kahit ayaw na umano ng aktres
- Lumabas din ang pangalan ng volleyball player na si Vanie Gandler sa mga tsismis, ngunit walang kumpirmasyon mula kay Gerald
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Kumpirmado na ang breakup nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Sa isang opisyal na pahayag nitong Huwebes, inanunsyo ng Star Magic na nagpasya na ang dalawa na tapusin ang kanilang relasyon.

Source: Instagram
“Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship. We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives. Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support,” ayon sa kanilang statement.
Matatandaang ilang linggo nang usap-usapan ang status ng relasyon ng celebrity couple matapos lumabas ang mga ulat na tila nagkakaroon sila ng problema. Bago pa man ang kumpirmasyon mula sa Star Magic, nagbigay ng komento si showbiz host Ogie Diaz sa kanyang vlog kung saan sinabi niyang si Julia na umano ang gustong magtapos ng relasyon, samantalang si Gerald ay ayaw pang bumitaw.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Hindi sa wala na sila, ang sinabi sa akin ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni Julia sa relasyon pero kay Gerald meron pa, si Julia ayaw na,” ani Ogie. Dagdag niya pa, “Pero si Gerald is trying to pursue Julia. Pumupunta raw si Gerald doon sa bahay ni Julia, pero parang ayaw nang makita ni Julia si Gerald, muna.”
Sa parehong vlog, tinanong pa siya ni Ate Mrena kung totoo bang may third party kay Gerald. Bagamat walang direktang sagot, muling lumutang ang pangalan ng volleyball player na si Vanie Gandler. “’Di ba lagi kong sinasabi rito na si Gerald ang dapat magsabi niyan kung hanggang ngayon ay totoo ‘yung Vanie Gandler o hindi talaga,” sagot ni Ogie.
Ngayon na kumpirmado na ang kanilang hiwalayan, marami pa ring katanungan ang hindi nabibigyang-linaw, partikular kung totoo nga bang patuloy pang sinusuyo ni Gerald si Julia sa kabila ng mutual decision na ito.
Naging kontrobersyal ang relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto mula pa noong una itong ibunyag dahil sa pagkakadawit ng pangalan ni Bea Alonzo. Sa kabila ng matinding public scrutiny, pinatunayan ng dalawa na matibay ang kanilang samahan at ilang beses na nilang ipinakita ang kanilang closeness sa social media. Sa mga nakaraang taon, naging matatag ang kanilang partnership sa kabila ng mga isyu, ngunit ngayong kumpirmado na ang kanilang hiwalayan, tuluyan na ring natuldukan ang isa sa mga pinaka-binantayang relasyon sa showbiz.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Julia Barretto ang kanyang effort na i-spoil ang kanyang ina na si Marjorie Barretto. Sa kanyang social media post, makikitang masaya siyang nagbibigay ng regalo at oras sa kanyang mom, bagay na ikinatuwa ng mga fans. Marami ang nagsabi na nakaka-inspire ang sweetness ni Julia sa kanyang pamilya, lalo na ngayong may pinagdadaanan siya sa personal na buhay.
Samantala, sa kabilang banda, ayon sa report ng KAMI, tuloy-tuloy pa rin umanong sinusuyo ni Gerald Anderson si Julia kahit na tila ayaw na ng aktres. Sa vlog ni Ogie Diaz, lumabas ang impormasyon mula sa kanyang source na nagpupunta raw si Gerald sa bahay ni Julia upang makipag-usap, ngunit tila malamig na raw ang pagtanggap ng aktres. Ang tsismis na ito ang nagbigay-dagdag kulay sa mga haka-haka bago tuluyang makumpirma ang kanilang hiwalayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh