Pokwang, may matapang na pahayag sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap"

Pokwang, may matapang na pahayag sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap"

  • Si Pokwang ay muling nagbigay ng matapang na mensahe sa social media
  • Noong Wednesday, September 17, nag-post si Pokwang sa Instagram niya
  • Tungkol ito sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap" sa Pilipinas
  • Aniya nga ng Kapuso star, nakakagalit daw talaga ang mga taong ito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Pokwang, kilalang Filipina actress at comedian, ay muling nagbigay ng matapang na mensahe laban sa mga taong nasa gobyerno na sa halip na magserbisyo ay lalo pang nagpapahirap sa buhay ng mga mamamayan.

Pokwang, may matapang na pahayag sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap"
Pokwang, may matapang na pahayag sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Noong Wednesday, September 17, ibinahagi ni Pokwang sa Instagram ang kanyang saloobin tungkol sa mga pulitikong mahilig gumamit ng kwento ng kanilang kahirapan tuwing panahon ng kampanya. Sa kanyang post na agad naging viral sa social media, tinuligsa niya ang mga politiko na nagsasabing galing sila sa hirap, ngunit matapos mahalal ay tila mas pinapabigat pa nga ang dinadala ng masa.

Aniya Pokwang, "Noong nangangampanya, laging bukang bibig nila, 'Nagmula rin ako sa hirap kaya nauunawaan ko kayo,' tapos nang mahalal ayun, mas pinahirapan ang mahihirap habang sila busog na busog sa pinaghirapan ng mahihirap. Nakaka-put#%ng ¥n@!"

Read also

Kara David, may malupit na birthday wish para sa mga kurakot ngayong ika-52 niyang kaarawan

Maraming netizens ang sumang-ayon at nagpahayag ng suporta sa komedyante, na kilala ring hindi natatakot na magsalita tungkol sa mga isyung panlipunan at politikal sa kanyang page.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghayag ng kanyang opinyon si Pokwang tungkol sa pamahalaan. Kamakailan ay naging laman din siya ng balita matapos niyang sang-ayunan ang naging reaksyon ni Lino Cayetano laban sa pahayag ni Sen. Alan Cayetano ukol sa korapsyon. Katulad ng sinabi ni Direk Lino, hindi dapat gawing 'normal' ang korapsyon sa gobyerno.

Unti-unti na ngang dumarami ang mga personalidad sa showbiz na gumagamit ng kanilang boses para ipahayag ang kanilang hinaing sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Isa na si Pokwang sa mga kilalang artista na pinipiling maging vocal, lalo na't patuloy ang mga kontrobersyal na usapin gaya ng mga pondo para sa flood control projects na kalat sa bansa.

Sa huli, muling ipinakita ni Pokwang na bukod sa pagiging komedyante, isa rin siyang ina at mamamayang may malasakit sa kinabukasan ng bansa, at handang manindigan para sa mga tao.

Read also

Lalaking ililibing na sana, binalik sa hospital matapos ang isang hindi kapani-paniwalang pangyayari

Pokwang, may matapang na pahayag sa mga taong "mas pinahirapan ang mahihirap"
Screenshot mula kay @itspokwang27 sa Instagram
Source: Instagram

Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay talagang nainis si Pokwang sa kumalat na fake news tungkol sa kanya. Bukod kay Mamang ay nadamay din nga sina Pauleen Luna at pati ang asawa nito na si Vic Sotto. Agad naman itong nilinaw ni Pokwang sa kanyang opisyal na page sa Threads. Sey pa nga ni Mamang, makakarma rin daw ang mga nagpapakalat ng mga fake news.

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Samantalang noong July ay nag-viral sa social media si Pokwang dahil sa kanyang mga recent post sa social media. Kamakailan ay sinagot ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X. Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble. Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco