Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu

Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu

  • Claudine Barretto, nilinaw na may kasunduan silang magkapatid na huwag pag-usapan ang isa’t isa
  • Ani ng aktres, hindi siya binigyan ni Gretchen ng awtoridad na magsalita para rito
  • Ipinunto rin niya na hangga’t walang pinal na hatol, dapat ituring na inosente ang tao
  • Sa kabila ng mga isyu, iginiit ni Claudine ang respeto at pagmamahal sa kanyang ate

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isa sa pinakamalaking tanong ng publiko ay kung kumusta na nga ba ang relasyon ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen Barretto. Sa panayam ni Claudine sa “The Issue is You!” nina Ogie Diaz at Inah Evans, diretsahan niyang nilinaw na may malinaw silang kasunduan ng kanyang ate: hindi sila magsasalita tungkol sa isa’t isa sa publiko.

Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu
Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu (📷@claubarretto/Instagram)
Source: Instagram

Kuwento ng aktres, “May usapan kaming magkapatid na we will not talk about each other, she never give me the authority to speak on her behalf.” Malinaw ang kanyang pahayag na sa kabila ng mga intrigang bumabalot sa pamilya Barretto, nananatiling buo ang kanyang respeto sa ate niya.

Read also

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Dagdag pa ni Claudine, naniniwala siya sa prinsipyo ng pagiging inosente hangga’t walang pinal na hatol. “Ang ate ko, she’s very strong. Makikiusap na po ako, hangga’t hindi kayo hinahatulan, unless proven guilty inosente pa po ang tao,” giit niya.

Hindi man nagbigay ng karagdagang detalye, ipinakita ng aktres na sa gitna ng mga away at tampuhan ng kanilang pamilya, mahalaga pa rin ang paninindigan at pagkilala sa boundaries. Para kay Claudine, ang kasunduan nilang magkapatid ay tanda ng respeto at proteksiyon sa isa’t isa laban sa panibagong intriga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa parehong panayam, ikinuwento rin ni Claudine ang pagkakasundo nila ng kanyang kuya matapos ang matagal na alitan. Pinili niyang magpatawad nang ito ay humingi ng tawad sa tulong ng pamangkin. Gayunpaman, inamin niya na may lamat na ang kanilang relasyon at hindi na ito tulad ng dati.

Naging emosyonal din ang aktres habang binabalikan ang kanyang sakripisyo para sa kanilang ina na 89 taong gulang. Aniya, siya ang madalas mag-asikaso at magbayad ng hospital bills ng kanilang mommy.

Read also

Kylie Padilla, inamin na “kuripot na sa second chances” matapos sa mga pinagdaanan

Si Claudine Barretto ay kilala bilang “Optimum Star” ng industriya ng showbiz. Sa kanyang mahabang karera, ilang beses siyang nakasama sa pinakasikat na pelikula at teleserye. Gayunpaman, hindi rin nawala ang mga kontrobersiyang bumabalot sa kanya at sa pamilya Barretto, lalo na ang madalas na paglalabas ng personal na alitan sa publiko. Sa kabila nito, nananatili siyang aktibong artista at patuloy na nakikibahagi sa mga diskusyon tungkol sa pamilya at personal na buhay.

Noong nakaraang Hulyo, naging laman ng balita ang pagiging malapit pa rin ni Claudine sa pamilya ng kanyang yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan. Ayon sa kanyang ina, si Claudine ay itinuturing na miyembro ng kanilang pamilya, na nagpatibay sa ugnayan nila sa kabila ng pagkawala ng aktor. Ang kwento ay nagsilbing paalala sa publiko ng matibay na relasyon ni Claudine sa pamilya ng kanyang dating kasintahan.

Sa isa pang ulat, ipinahayag ni Claudine ang kanyang taos-pusong mensahe sa mga anak ng yumaong direktor na si Wenn Deramas. Pinaalala niya ang kabutihan at ambag ng direktor sa kanyang buhay at karera. Umantig sa maraming netizens ang kanyang mensahe, na nagpamalas ng kanyang malasakit at pagpapahalaga sa mga taong naging bahagi ng kanyang propesyonal at personal na paglalakbay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate