Kim Chiu, naging emosyonal sa 'unboxing' video ni Alora Sasam: "Nakakaiyak naman"

Kim Chiu, naging emosyonal sa 'unboxing' video ni Alora Sasam: "Nakakaiyak naman"

  • Kinilig at naantig naman si Kim Chiu kamakailan lang dahil kay Alora Sasam
  • Sa Instagram, nag-post si Alora ng 'unboxing' video ng isang gamit na kakabili lang niya
  • Aniya Alora, matagal na raw siyang naghahanap ng gamit na ito na talagang matibay
  • Dahil sa reaksyon niya, labis namang na-touch si Kim at talagang napa-thank you

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Kim Chiu, isang kilalang aktres at TV host, ay labis na naantig matapos mapanood ang post ni Alora Sasam kung saan ipinakita nito ang unboxing ng isang bagong biling bag niya nitong taon.

Kim Chiu, naging emosyonal sa 'unboxing' video ni Alora Sasam: "Nakakaiyak naman"
Photos: @chinitaprincess, @alorskieee on Instagram
Source: Instagram

Noong Tuesday, September 16, ibinahagi ni Alora sa Instagram ang isang video kung saan ipinakita niya ang unang 'House of Little Bunny' bag na nabili niya. Sa video, inilahad ng komedyante kung bakit siya nagdesisyon na bumili. "Ito po yung pinaka-una kong HLB na bag, naghahanap po kasi talaga ako ng working bag na matibay, malaki, pang-taping, at kahit saan pa man. Nako, besh, pinaghirapan po natin 'to," ani Alora, bagay na naka-relate pa nga ang ilan.

Read also

Senyora, may kwelang post kasama si Dominic Roque: "For 9 months nanahimik ako"

Nang makita na niya ang bag, hindi napigilan ni Alora ang kilig. "Ang ganda! Lakas maka-shala!" dagdag pa niya, na umani agad ng papuri mula sa mga netizens at pati na rin kapwa artista. Isa sa mga nagkomento ay si Maja Salvador na nagsabing, "Ganda, mami! Ganda mo rin! Pak!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit ang higit na nagbigay ng emosyon sa mga tao ay ang reaksyon mismo ni Kim sa naturang post. Sa comments, hindi napigilan ni Kim ang kanyang emosyon. "OMG!!!!! Nakakaiyak naman!!!!! Thank you, miga," ani Kim. Sinundan pa niya ito ng mas heartfelt na mensahe: "Super love!!!!! Nakakatawa yung dulo. Hoy salamat kaayo jud ba!!!!! Makahilak jud ta ani ba. Salamat kaayo!!!!!"

Maraming netizens ang natuwa at na-touch talaga sa pagpapakita ng pasasalamat ni Kim, na mas lalong nagpatunay ng kanyang pagpapahalaga sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Sa kabila ng pagiging abala niya sa showbiz, pinapatakbo ni Kim ang The House of Little Bunny sa Pilipinas, isang brand na unti-unti nang nakikilala dahil sa kalidad at istilo ng mga bag nito. Kaya naman, ang simpleng gesture ni Alora ng pagbili at pagbabahagi ng kanyang excitement ay may malaking kahulugan para kay Kim na nagmamay-ari ng branding nito sa Pilipinas.

Read also

Kiray Celis, labis ang kilig sa text message na natanggap niya mula kay Jaya

Panoorin ang video sa ibaba:

Kim Chiu, naging emosyonal sa 'unboxing' video ni Alora Sasam: "Nakakaiyak naman"
Screenshot mula kay @alorskieee sa Instagram
Source: Instagram

Si Kim Chiu ay isang Filipina actress, television host, at singer na sumikat matapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa lokal na showbiz bilang "Chinita Princess." Matapos ang kanyang tagumpay sa PBB, naging isa siya sa mga pangunahing artista ng ABS-CBN, at gumanap sa mga sikat na teleserye tulad ng Sana Maulit Muli, My Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pag-arte, isa rin siya sa mga hosts sa It's Showtime.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Kim Chiu dahil sa kanyang post. Sa Instagram page niya, masaya niyang ibinahagi ang pinakabagong career milestone niya ngayong taon. Sa wakas ay natanggap na ng aktres-host ang tropeo mula sa PMPC Awards. Hindi na nakapagtataka na ikinatuwa ito ng maraming fans ni Kim sa social media.

Samantalang umani rin ng ingay sa social media ang isa pang post ni Kim Chiu. Kamakailan, nag-upload si Kim ng isang video kung saan makikitang naglalakad siya sa mga kalye ng London sa gabi. Hindi na rin nakapagtataka na maraming netizens ang naging curious sa caption ni Kim tungkol sa mga "unspoken battles" sa buhay ng isang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco