Sharon Cuneta, naantig ang puso sa video ng pagkikita nina Kiko Pangilinan at Helen Gamboa

Sharon Cuneta, naantig ang puso sa video ng pagkikita nina Kiko Pangilinan at Helen Gamboa

  • Talagang naging emosyonal si Sharon Cuneta dahil sa isang viral video
  • Nag-circulate kasi sa social media ang pagkikita ni Sen. Kiko Pangilinan at Helen Gamboa
  • Kasama pa nga ni Helen ang kanyang anak na si Ciara Sotto sa meetup
  • Dahil dito, talagang naantig ang puso ng nag-iisang Megastar, bagay na ikinatuwa ng marami

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Sharon Cuneta matapos makita ang viral na video ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan at ni Helen Gamboa at ang anak nitong si Ciara Sotto.

Sharon Cuneta, naantig ang puso sa video ng pagkikita nina Kiko Pangilinan at Helen Gamboa
Sharon Cuneta, naantig ang puso sa video ng pagkikita nina Kiko Pangilinan at Helen Gamboa (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng Megastar ang video kalakip ang caption na puno ng pagmamahal at pasasalamat. Ayon kay Sharon, ito ang unang pagkakataon mula pa noong 2022 na 'kumanta' ang kanyang puso. "God is good all the time. The first time since 2022 that my heart was able to sing again. We love you, our Mama Helen! Family is love and love always wins," saad niya sa app.

Read also

Vice Ganda, sinagot ang pumuna sa 'maliit' na papremyo nila sa 'It's Showtime'

Makikita sa naturang video na pumasok sa kwarto sina Helen at Ciara, at agad namang lumapit si Sen. Kiko upang batiin sila. Hindi nagtagal ay niyakap ni Helen si Kiko, na agad din naman nitong tinugon, dahilan upang lalong maantig ang mga nakasaksi ng tagpong iyon sa naturang app.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Sharon, ang simpleng gesture ng yakap ay patunay na "family is love" talaga sa kanila.

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa pagbibigay ng kanilang komento. Marami ang natuwa at naiyak sa viral video, na para sa kanila ay sumasalamin sa power ng pagmamahalan:

"Family is love, God is good talaga."
"She's really a good person, a very warm person."
"Amen, thank God that His hand is always upon your family."
"Masaya na si Mama Shawie, and this makes me happy too. Nakakaiyak."
"Love always finds a way. God is love and He makes it happen in His time."

Read also

Vice Ganda, naantig sa binigay ng isang Pinay fan sa kanya sa 'ASAP' show sa England

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Sharon Cuneta ay isang aktres at singer sa Pilipinas na kilala bilang 'Megastar' sa industriya. Sinimulan niya ang kanyang karera sa murang edad, at agad na sumikat sa kanyang awiting Mr. DJ noong dekada 70. Mula noon, sunod-sunod ang kanyang tagumpay sa pelikula, telebisyon, at musika at nagwagi siya ng maraming parangal sa larangan ng entertainment sa bansa. Ilan sa kanyang mga iconic na pelikula ay Bituing Walang Ningning, Madrasta, at Caregiver. Sa personal niyang buhay, siya ay asawa ni Francis 'Kiko' Pangilinan at ina ng aktres na si KC Concepcion.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Sharon Cuneta dahil sa kanyang post. Sa Instagram, binalikan ni Sharon ang kanyang panayam kay Vic Chou noon. Ibinahagi rin niya ang kanyang ibinigay na mga regalo sa Taiwanese star. Aniya Sharon, sana raw ay makapayanam niya ulit si Vic at ang ibang 'F4' stars.

Read also

Ara Mina, naantig sa ginawa ng anak na si Mandy sa Eastwood Walk of Fame star niya

Samantalang ay na-interview kamakailan lang ni Rico Hizon si Sharon Cuneta. Dito ay naitanong si Megastar Sharon kung kamusta na si KC Concepcion. Aniya ng Megastar sa interview, tahimik daw na nakatutok sa business ang panganay niya. Bukod pa rito ay nag-open up din si Megastar tungkol sa mga naging ups and downs nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco