Iya Villania, ibinebenta na ang kanilang apartment sa Sydney
- Ibinahagi ni Iya Villania na ibinebenta na nila ang kanilang Sydney apartment
- Aniya Iya, isa itong 2-bedroom at 2-bathroom unit na nasa magadang lokasyon
- Bukod sa balitang ito, ibinahagi rin ni Iya ang "reason for selling" nila sa unit
- Dahil dito, umani naman ng ilang papuri ang celebrity mom sa social media app
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi kamakailan ni Iya Villania, isang kilalang aktres at TV host, na ibinebenta na nila ang kanilang simple ngunit napaka-homey na apartment sa Sydney, Australia. Sa kanyang Instagram post nitong Monday, September 15, ipinakita ni Iya ang ilang larawan ng kanilang tahanan na agad namang umani ng atensyon mula sa kanyang mga tagasubaybay sa naturang photo app.

Source: Instagram
Sa caption, ipinunto ni Iya na ang unit ay nasa isang strategic location at perfect para sa mga nais mag-invest, "Anyone interested in investing in a Sydney apartment in a prime location? Selling our Sydney apartment and it's a great price for a 2 bedroom and 2 bathroom unit in the city."

Read also
Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas
Dagdag pa ni Iya na ang dahilan ng kanilang pagbebenta ay ang lumalaki nilang pamilya. "RFS? Simply because we need something a little bigger because hello... 5 children," aniya sa post.
Ibinahagi rin ng TV host ang ilan pang mga detalyeng makakatulong sa mga interesado sa unit nila sa Sydney. "Located right in front of Haymarket Light Rail and 200m away from Central Station, this place is nothing short of ACCESSIBLE. We chose this area specifically because of its easy access to public transport hence not needing a car or car seats when we visit," aniya Iya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maliban sa pagiging accessible, muling binigyang-diin din ni Iya ang lokasyon lalo na para sa mga pamilya. Aniya, "It would be a great prep too if you plan on sending your kids to school in Sydney, easier to invest of course if you're an Aussie citizen, but if not, you can still try your luck."
Maraming netizens ang natuwa sa post, at hindi rin naiwasan ng ilan na humanga sa pagiging open ng mag-asawa sa kanilang mga desisyon sa buhay. Sa kabila ng kanilang showbiz careers, patuloy na pinapakita nina Iya at Drew Arellano ang kanilang pagiging hands-on na magulang sa kanilang limang anak, dahilan kung bakit kailangan nilang lumipat sa mas maluwag na lugar.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Iya Villania ay isang Filipina TV host, actress, singer, at model. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon noong 2003 sa interactive program na Game Channel. Pagkatapos nito, lumabas siya sa daytime drama ng GMA Network na Walang Hanggan at Click. Noong 2004, lumipat siya sa ABS-CBN, kung saan naging VJ siya ng MYX at lumabas sa mga palabas tulad ng ASAP at Wowowee. Noong 2014, bumalik si Iya sa GMA Network. Sa personal naman niyang buhay, siya ay kasal kay Drew Arellano at may lima silang anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro, at Anya.

Read also
Mariel Padilla, dinepensahan ang asawang si Robin: "To claim he disrespects the flag is unfair"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-react si Iya Villania sa desisyon ni Camille Prats na magpahinga muna. Nauna nang naging usap-usapan si Camille nang ibahagi niya ang tungkol sa kanyang pagpapahinga mula sa mga teleserye. Sa Instagram, muling ibinahagi ni Iya ang isang quote card ni Camille at nagsulat ng maikling mensahe. Sa kanyang post, buong suporta ang ipinakita ni Iya para sa kanyang "mars" sa social media, na nakaantig sa puso ng mga fans.
Samantalang muli na namang pinasaya ni Iya Villania ang kanyang mga fans at followers sa social media. Ibinahagi kasi kamakailan lang ni Iya ang isang video ng kanyang mga anak. Sapul sa camera si Astro kasama ang kanyang cute na baby sister na si Anya. Naaliw si Iya, kundi pati na rin ang ibang mga netizens sa dalawang anak ni Iya dahil sa kanilang interaction.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh