Bea Alonzo, nagbigay pahayag sa usapin ng umano’y engagement
- Kumalat ang balita na engaged na umano sina Bea Alonzo at businessman na si Vincent Co, ngunit nilinaw ng aktres sa isang panayam na wala siyang kailangang ipaliwanag at mas pinili niyang huwag kumpirmahin o pasinungalingan ang isyu
- Ayon kay Bea, masaya siya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ngunit nais niyang panatilihin sa labas ng publiko ang kanyang personal na buhay, lalo na matapos ang mga natutunan niya mula sa mga pinagdaanan sa nakaraan
- Tinuldukan din ng aktres ang spekulasyon hinggil sa isang engrandeng anunsyo tungkol sa kanilang relasyon, at iginiit na walang “grand reveal” na magaganap para sa kanyang love life
- Para kay Bea, mas mahalaga ngayon ang tahimik at pribadong relasyon kaysa sa pagbibigay ng detalye sa publiko, dahil natutunan niyang mas i-prioritize ang kanyang kapakanan at kaligayahan kaysa sa opinyon ng iba
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Piniling manatiling tahimik ni Bea Alonzo sa mga kumakalat na balita tungkol sa umano’y engagement nila ng negosyanteng si Vincent Co. Sa ulat ng 24 Oras noong Setyembre 12, sinabi ng aktres na wala siyang dapat ipaliwanag kaugnay ng isyu at mas pinipili niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.

Read also
Diwata, inilahad ang matinding dagok sa negosyo: "Masama ang loob ko, nautangan pa nila ako"

Source: Instagram
“Alam mo, inuunahan ng mga tao ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. I have nothing to clarify, and I want to keep things private. There’s nothing to say, actually. I’m very happy,” ani Bea sa naturang panayam.
Mariin din niyang nilinaw na wala umanong mangyayaring engrandeng pagbubunyag tungkol sa kanyang relasyon. “Huwag na kayo maghintay kasi wala namang grand reveal. I want to focus on my personal life being private right now. Parang feeling ko, ang dami kong natutunan sa pinagdaanan ko sa buhay and I want to keep my personal stuff really private this time,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Para kay Bea, mahalaga ang privacy lalo na matapos ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa nakaraan. Sa halip na ipakita sa publiko ang bawat detalye ng kanyang relasyon, mas pinipili niyang itago ito at hayaan na lamang ang kanyang personal na kaligayahan ang magsalita para sa kanya.
Si Bea Alonzo ay isa sa pinakakilalang aktres sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang versatility at sa mga iconic roles na kanyang ginampanan sa pelikula at telebisyon.
Maliban sa kanyang matagumpay na career, madalas ding masentro sa usap-usapan ang kanyang personal na buhay, partikular na ang mga relasyon niya sa nakaraan. Kaya naman, ang kanyang desisyon na panatilihing pribado ang kasalukuyang relasyon ay nagpapakita ng mas malinaw na boundary sa pagitan ng kanyang personal at propesyonal na buhay.
Kamakailan, spotted si Bea Alonzo kasama ang kanyang ex-fiancé na si Dominic Roque at aktres na si Sue Ramirez sa iisang event. Naging usap-usapan ito online dahil hindi naiwasang ikumpara ng netizens ang kanilang mga galaw, lalo na’t kapansin-pansin ang tila maayos na pakikitungo ng dating magkasintahan kahit nasa iisang lugar.
Samantala, sumagot din si Bea sa isang netizen na kumuwestiyon sa napili niyang background music sa kanyang social media post. Ipinaliwanag ng aktres na walang masamang intensyon ang kanyang pagpili at ito ay bahagi lamang ng kanyang creative expression. Ipinakita rito ang pagiging open ni Bea sa pagbibigay-linaw sa mga maliliit na bagay, ngunit nananatiling matatag siya sa pagpapanatili ng privacy sa mas personal na isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh