Lars Pacheco, pumalag sa sumbat ng netizen tungkol sa relasyon nila ni Clyde
- Lars Pacheco sinagot ang isang netizen na nagkomento tungkol sa naging panayam niya tungkol sa hiwalayan nila ni Clyde
- Sa kaniyang tugon, idinetalye niya ang mga sakripisyong ginawa niya sa pitong taong relasyon nila
- Ipinaliwanag din niya na hindi siya nanumbat ngunit kailangan niyang linawin ang maling akusasyon laban sa kaniya
- Ayon kay Lars, ang tanging nais niya ay matuto at mag-grow si Clyde bilang isang tao
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Pumalag si Lars Pacheco matapos makatanggap ng mahabang sumbat mula sa isang netizen kaugnay ng naging panayam niya hinggil sa hiwalayan nila ng kaniyang longtime partner na si Clyde Vivas. Ang komento ng netizen ay tila ipinapakita na umano’y naging pabigat siya kay Clyde at hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Source: Facebook
Hindi ito pinalampas ng influencer. Sa isang mahabang tugon, mariin niyang ipinahayag ang kaniyang panig, simula sa panahon na naging sila ni Clyde hanggang sa kanilang paghihiwalay.
“Mawalang galang na po Tita,” panimula ni Lars sa kaniyang sagot. Ipinaliwanag niya na pareho silang bata noong nagsimula ang kanilang relasyon at agad na nagkaroon ng isyu dahil hindi nag-aaral si Clyde noon. Aniya, “Bago naging kami, ang pinaka kauna-unahan kong sinabi sa kanya ay ayoko ng hindi nag aaral.”
Dagdag ni Lars, hindi siya kailanman naging pabigat dahil tumutulong siya financially at madalas ay siya pa ang nag-aalaga. Kwento niya, sa pitong taon nilang pagsasama, halos nanay na raw ang naging atake niya kaysa girlfriend. “Sa pitong taon, ako, ako, ako. Nagmahal, nag-alaga, kasama sa lahat,” ani Lars.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi rin niya na suportado niya ang mga plano ni Clyde, mula sa pagbili ng mga aso hanggang sa pagsubok na mag-streaming, kahit madalas ay hindi natutuloy ang mga ito. Ani Lars, “Hindi ako napapagod sumuporta… pero lahat kasi sa umpisa lang.”
Hindi rin pinalampas ni Lars ang isyu tungkol sa kanilang kita sa social media. Aniya, nagkasundo sila na hatiin ang kita ngunit si Clyde mismo ang tumanggi. Sa halip, siya pa raw ang nagbibigay kahit hindi kinakailangan. “Pwede bang hindi?” ani Lars, na nagpaliwanag na inudyukan pa niya si Clyde na mag-focus sa sariling content para magkaroon ng sariling income.
Sa kabila ng lahat, nilinaw ni Lars na mahal niya si Clyde at hindi siya naninira. “Ayoko ng gulo. Sa mundo, si Clyde ang pinaka huling taong makakaaway ko. Ayoko! Mahal ko siya,” pagtatapos niya.
Si Lars Pacheco ay unang nakilala bilang isa sa mga kandidata ng Miss Q and A segment ng It’s Showtime. Isa siyang trans woman na naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang tapang at pagiging open sa kaniyang identity. Sa kabila ng pagiging influencer at public figure, hindi rin nakaligtas si Lars sa intriga lalo na’t naging public din ang kaniyang relasyon kay Clyde Vivas, na tumagal ng pitong taon bago sila tuluyang naghiwalay.
Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang larawan ni Lars Pacheco kung saan makikitang suot niya ang isang sweatshirt. Maraming netizens ang nagbigay ng reaksyon, at mabilis na naging viral ang naturang larawan. Sa isang panayam, nagbigay-paliwanag si Lars sa isyu at ipinakita na kaya niyang tumawa sa mga bagay na pinagpipistahan online.

Read also
Diwata, inilahad ang matinding dagok sa negosyo: "Masama ang loob ko, nautangan pa nila ako"
Samantala, naging emosyonal si Lars nang tanungin ni Ogie Diaz ang kaniyang ex-boyfriend na si Clyde Vivas tungkol sa kanilang relasyon. Sa naturang panayam, ramdam ang bigat ng kanilang pinagdaanan bilang magkasama ng pitong taon. Ipinakita nito na kahit hiwalay na sila, nananatili pa rin ang respeto at emosyon sa pagitan nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh